Balita

Sanya at Derrick, bigay-todo sa ‘Wild and Free‛

- Nora V. Calderon

MARAMING nagulat pero natuwa nang mapanood nila ang trailer ng first movie together nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio.

Hindi naman ito first time na magkakasam­a ang dalawa sa isang project, dahil nasa cast sila noon ng The Half Sisters nina Barbie Forteza at Thea Tolentino. Hindi na iyon nasundan sa TV, pero ngayon ay lead stars na sila sa first movie nila together sa Regal Films, ang Wild and Free.

Sa trailer ng movie, na ini-launch na last week, makikitang daring at revealing ang Kapuso actors sa kanilang unang pagtatamba­l. Challenge daw sa kanilang dalawa ang roles na ginampanan nila.

Kapansin-pansin din ang chemistry nina Sanya at Derrick, na ayon na rin sa mga netizens na nakapanood ng trailer nito ay bagay nga raw sila.

At ang nakakatuwa, excited ang mga netizens na malaman kung ano ang sabi ng brother ni Sanya na si Jak Roberto sa lambingan at love scenes nila ni Derrick.

Nang makausap nga si Jak tungkol sa said movie, napangiti na lang siya.

“Todo po ang suporta ko sa sister ko at kay Derrick,” sagot ni Jak. “Ipinagdara­sal ko po ang success ng movie nila. Nagtatraba­ho po lang sila.”

Say naman ni Sanya: “Mabait at very cooperativ­e ni Derrick, marami po kaming natutunan nang ginagawa namin ang movie.”

“Sinisiguro ko po na protektado ang leading lady ko sa maseselang eksenang ginawa namin dito. Sumusunod po lamang kami kung ano ang inuutos sa amin ng director at sa hinihingi ng eksenang ginagawa namin,” sabi naman ni Derrick.

Showing na on October 10 ang Wild & Free in cinemas nationwide.

 ??  ?? Sanya at Derrick
Sanya at Derrick

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines