Balita

Paolo mas sweet kaysa kay LJ

- Nitz Miralles

COMMENT ng netizens, parang mas mahal ni Paolo

Contis si LJ Reyes than the other way around. Ang DP daw kasi ni Paolo sa kanyang Instagram ay photo nila ni LJ. Samantalan­g si LJ ay solo picture niya ang DP.

Nababasa rin ang posts ni Paolo na hayagang nagpapahay­ag ng pagmamahal kay LJ.

Isang halimbawa ng post ni Paolo: “It feels like heaven whenever I see you this happy! I love you so much my beautiful buntit!!... walang punchline ‘tong post na to. Huwag na kayo maghintay! Nagpapaswe­et lang ako!”

Una nang nag-post si Paolo tungkol sa baby girl nila ni LJ: “We finally found out the gender of #BabyContis­2019. We can’t wait to see you anak!”

Ang maganda pa, ‘tila sasamahan ni Paolo si LJ sa mga event nito na may kinalaman sa paghahanda sa pagdating ng kanilang baby. Sinamahan ni Paolo si LJ sa pa-event ng Aprica, na gumagawa ng baby stroller. Sa January 2019 ang due date ni LJ, kaya marami pa tayong update na mababasa tungkol sa pagbubunti­s ni LJ courtesy of Paolo.

 ??  ?? Paolo at LJ
Paolo at LJ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines