Balita

Luigi, interesado sa ‘agimat’ ng kanyang Lolo

- Ni MERCY LEJARDE

SA solo presscon ni Luigi Revilla para sa “Amats” episode niya sa trilogy movie nilang Tres ng mga kapatid niyang sina Bryan at Jolo Revilla, natanong ni Yours Truly ang nagbabalik-showbiz na anak ni ex-Senator Bong Revilla, Jr. tungkol sa

agimat.

Natanong ni Yours Truly kung alam ba ni Luigi na may itinatagon­g agimat ang kanyang Lolo, si exSenator Ramon Revilla, Sr.?

“I heard po na meron nga raw. Pero hindi ko pa po nakikita or natatanong man lang ang Lolo ko regarding sa agimat or anting-anting matter?” nangingiti niyang sabi.

Sakaling meron nga, tatanggapi­n ba ni Luigi ang anting-anting o agimat ng Lolo niya? “Ay, siguro po, opo. Maybe gagamitin kong pangontra sa mga masasamang elemento. Hindi ko po gagamitin ‘yun sa masasamang paraan. For sure para sa kabutihan ko, ng pamilya ko, ng mga parents ko at mga kapatid at mga relatives ko, pati na rin ang lahat ng mga kababayan natin,” sagot ni Luigi.

 ??  ?? Luigi
Luigi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines