Balita

Cancer naipasa sa organ transplant

-

Kahindikhi­ndik ang naitalang medical case ng American Journal of Transplant­ation na nagpatunay na hindi lang nakahahawa­ng sakit ang maaaring maipasa sa organ transplant, kundi pati cancer.

Dahil walang ibang nakitang sakit o cancer sa pagsusuri, nakapasa bilang organ donor ang 53-anyos na babae na namatay dahil sa stroke noong 2007 at naibigay sa apat na recipient ang kanyang kidney, baga, atay at puso. Ngunit sa halip na maisalba ang buhay, nahawa ng cancer ang apat na nakakuha ng organ.

Bagamat naging maayos ang kalagayan ng apat na organ recipient matapos ang transplant, makalipas ang 16 na buwan ay nagulat na lang ang pasyenteng nabigyan ng baga matapos makita sa kanya ang mga breast cancer cells na galing umano sa organ donor niya.

Makalipas ang isang taon, namatay ang pasyente. Dahil sa naging kaso ito, agad na ipinaalam at inabisuhan ng mga doktor ang tatlo pang pasyente na nakakuha ng organ, ngunit huli na ang lahat.

Apat na taon matapos ang transplant, na-diagnose naman na may breast cancer cells sa atay ang liver recipient. Bagamat dumaan sa treatment namatay din ang pasyente.

Nagkaroon din ng cancer ang pasyenteng nakakuha ng kaliwang kidney at namatay makalipas ang dalawang buwan nang matuklasan ang sakit.

Samantala, ang kanang kidney naman ay naipasa sa isang 32anyos na lalaki na natuklasan din na may breast cancer cells sa organ na naipasa sa kanya. Kaiba sa ibang mga recipient, pinatangga­l ng lalaki ang organ na ikinabit sa kanya upang maagapan.

“Many reports have shown that cancer transmissi­on can occur in solid organ transplant­ation,” saad na artikulo. “However, this is the first report describing breast cancer transmissi­on after a multi-organ procedure from one donor to four recipients.”

Bagamat nakakatako­t ang naging kaso ng apat na pasyente. Ipinunto naman ng isang doktor na ang tiyansa na maipasa ang cancer sa pamamagita­n ng organ donation ay “very uncommon.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines