Balita

May tapang pa si Tiger

-

ATLANTA (AP) — Marami ang umaasa sa muling pamamayagp­ag ni Tiger Woods.

Sa kanyang pagbabalik aksiyon ngayong taon, posibleng maganap ang minimithi ng tagahanga. Balik ang ‘Tiger-mania’?

Hataw ang 40-anyos at 14time major champion sa naiskor na 5-under 65 para makuha ang tatlong stroke na bentahe nitong Sabado (Linggo sa Manila) tungo sa final round ng Tour Championsh­ip.

“I got off to an ideal start,” pahayag ni Woods. “And the next thing you know, I was off and running.”

Nasa likuran niya sina Rory McIlroy at Justin Rose para sa inaasahang ‘dramatic finish’ sa torneo.

Ito ang unang pagkakatao­n na tangan ni Woods ang bentahe matapos ang 54-hole mula nang makamit ang huling panalo noong 2013 sa Bridgeston­e Invitation­al. Sa kanyang career, hindi pa natatalo si Wood na hawak ang bentahe sa final round.

Lalaro si Woods sa unang pagkakatao­n mula nang magbalik aksyon matapos ang dalawang taong pamamahing­a sa final group tangan ang 12-under 198.

“It’s obviously exciting for the golf tournament. It’s exciting for golf in general that he’s up there,” sambit ni McIlroy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines