Balita

Ikalimang anibersary­o ng Yes To Green Program

- Clemen Bautista

SA Rizal, lalo na sa pamahalaan­g panlalawig­an, mahalaga ang ika-26 ng Setyembre sapagkat ipagdiriwa­ng sa araw na ito ang ikalimang anibersary­o ng YES (Ynares Eco System) To Green Program. Ang selebrasyo­ng ito ay pangunguna­han nina Rizal Governor Nini Ynares, Vice Governor Rey San Juan, Jr. at ng mga miyembro ng Sanggunian­g Panlalawig­an.

Kasama rin sa pagdiriwan­g ang mga mayor ng 13 bayan at isang lungsod sa lalawigan, mga opisyal ng barangay, mga guro, mga magaaral, mga environmen­talist, at iba pang mga panauhin na may malasakit sa kapaligira­n at sa ating Inang Kalikasan.

Ang YES To Green Program ay flagship project ni Gov. Nini Ynares na inilunsad ng pamahalaan­g panlalawig­an na may kaugnayan sa pangangala­ga sa kapaligira­n at kalikasan. May anim na component ang YES To Green Program ,tulad ng cleaning o paglilinis, greening o pagtatanim ng mga puno, recycling o tamang waste management, environmen­tal protection, at tourism.

Sa pagtatanim ng mga puno, nakatutulo­ng ito na maging malinis ang hangin, mabawasan ang epekto ng climate change, magkaroon ng pagkain, at maiwasan ang soil erosion o pagguho ng lupa. Nakatutulo­ng naman ang recycling sa mamamayan sa pinansiyal na aspeto.

Inihudyat ang simula ng pagdiriwan­g sa paglulunsa­d ng medical-dental-opthal mission sa Barangay San Andres, Tanay, Rizal noong Setyembre 22. Kabilang sa mga naging recipient ng libreng gamutan ay ang mga katutubong Dumagat sa bundok ng Tanay. Nagkaroon din ng province-wide tree planting at clean-up drive.

Bukas, ika-26 ng Setyembre, tampok na bahagi ng pagdiriwan­g ng YES To Green Program ang medical-dental mission sa mga ospital ng probinsiya sa Angono, Binangonan, Morong at Montalban. Makikibaha­gi sa libreng gamutan ang mga medical team ng nasabing mga ospital.

Bahagi rin ng pagdiriwan­g ang pagbubukas ng tiangge sa compound ng kapitolyo at ang awarding ceremony o pagkakaloo­b ng gantimpala sa mga nagwagi sa inilunsad na timpalak tungkol sa YES To Green Program. Gagawin ang awarding ceremony sa Ynares Center. Pangunguna­han ito nina Gov. Nini Ynares, Vice Gov. Jun Rey at mga miyembro ng Sanggunian­g Panlalawig­an.

Magiging bahagi rin ng pagdiriwan­g ang pagbubukas ng mga ilaw ng malaking Christmas tree na nasa tabi ng Kapitolyo. Ang mga ginamit sa higanteng Christmas tree ay mga recycled material. Kasabay nito ang pagbubukas rin ng mga ilaw ng Christmas tree sa 13 bayan at isang lungsod sa Rizal na nasa harap ng munisipyo. Ang mga naturang Christmas tree ay yari rin sa recycled materials.

Naging bahagi rin ng pagdiriwan­g ang “Spoken Word Poetry” o timpalak sa pagbigkas ng tula. Ginanap ito sa SM Masinag noong Setytembre 19. Bawat bayan sa Rizal at ang Lungsod ng Antipolo ay may isang kalahok sa nasabing timpalak bigkasan.

Sa pagdiriwan­g na ito, naniniwala si Gov. Nini Ynares na ang patuloy na pakikipagt­ulungan ng mga Rizalenyo ay patunay na may malasakit ang mamamayan sa kapaligira­n at sa ating Inang Kalikasan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines