Balita

Perpetual Altas, kondisyon sa NCAA Final Four bid

- Marivic Awitan

Mga laro Ngayon (Filoil Flying V Centre) 10:00 n.u -- CSJL vs EAC (jrs) 12:00 n.t. -- UPHSD vs JRU (jrs)

2:00 n.h. -- CSJL vs EAC (srs) 4:00 n.h. -- UPHSD vs JRU(srs)

MATAAS ang morale at kumpiyansa na Perpetual Help Altas ang makakahara­p ng kulelat na Jose Rizal College Bombers sa tampok na laro ng double-header sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament ngayon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Galing ang Altas sa malaking upset win kontra dating undefeated Lyceum of the Philippine­s University Pirates na nagpatibay sa kampanya na makausad sa Final Four.

Hawak ang barahang 7-5, tatangkain ng Altas na tumabla sa College of St.Benilde (8-5) sa ika-4 na puwesto sa pagsagupa nila sa Jose Rizal University sa tampok na laro ngayong 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, magpapakat­atag naman sa kanilang kapit sa ikatlong posisyon ang Colegio de San Juan de Letran (8-4) sa pakikipagt­uos sa Emilio Aguinaldo College ganap na 2:00 ng hapon.

Bitbit ang inspirasyo­n ng kanilang 83-81 panalo kontra Pirates, muling sasandigan ng Altas ang isa sa mga leading MVP candidates na si Prince Eze na siyang nagbuslo ng winning shot sa buzzer.

Maliban sa liderato ni Eze at mahusay na playmaker na si Edgar Charcos,aasahan din ni coach Frankie Lim ang maayos na arya ng depensa na siya ring susi ng nakaraang panalo nila kontra LPU.

Sa panig ng JRU(2-11), sisikapin nilang umahon sa pinakabunt­ot ng standings.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines