Balita

TRILLANES INARESTO UNANG LIPAD

- Ni BELLA GAMOTEA May ulat ni Beth Camia

Kusang sumama si Senador Antonio Trillanes IV sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sumundo sa kanya sa Senado kahapon ilang oras makaraang magisyu ang Makati City Regional Trial Court (RTC) ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban sa senador.

Matapos sumailalim sa booking procedure sa Makati Police ay personal nang naglagak ng P200,000 piyansa si Trillanes sa Makati RTC Branch 150.

Pasado 1:00 ng hapon kahapon nang umalis si Makati RTC Branch 150 Sheriff Joseph Edwin Carreon, kasama ang mga tauhan ng Makati City Police, sa ilalim ni Senior Supt. Rogelio Simon, upang isilbi kay Trillanes ang resolution order.

Sa dalawang-pahinang resolusyon na ipinalabas ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda, pinagbigya­n ng hukuman ang hirit ng Department of Justice (DoJ) sa mosyon nito na mag-isyu ng warrant of arrest at HDO ang korte kaugnay ng kasong rebelyon ng senador.

Iniutos din ng korte kay Trillanes na personal itong maglagak ng P200,000piyansa­para sa pansamanta­lang paglaya.

Matatandaa­ng inihain ng DoJ ang nasabing mosyon kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiya ni Trillanes, na naipagkalo­ob sa senador noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, taong 2010.

Nabatid na Setyembre 11 nang ibinasura ng Makati RTC 150 ang mga kasong rebelyon at kudeta laban kay Trillanes at sa iba pa nitong kasamahan sa Oakwood Mutiny at Manila Peninsula siege, dahil sa naturang amnesty grant sa senador.

Samantala, magpapalab­as ng consolidat­ed resolution ang Davao City Prosecutor’s Office kaugnay ng apat na iba’t ibang kaso ng libel na isinampa nina dating Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte at Atty. Manases “Mans” Carpio laban kay Trillanes.

Ayon kay City Chief Prosecutor Atty. Nestor “Buts” Ledesma, pag-iisahin na lang ang nasabing mga kaso at reresolbah­in ng City Prosecutor dahil halos pareho lang ang “parties involve” at ang respondent sa kaso.

 ?? MANNY LLANES ?? Sa unang pagkakatao­n ay lumarga sa ere kahapon ang Electric Manned Aerial Vehicle (EMAV), lulan si Kyxz Mendiola, sa Maharlika Highway, Bgy. Santiago, Sto. Tomas Batangas.
MANNY LLANES Sa unang pagkakatao­n ay lumarga sa ere kahapon ang Electric Manned Aerial Vehicle (EMAV), lulan si Kyxz Mendiola, sa Maharlika Highway, Bgy. Santiago, Sto. Tomas Batangas.
 ??  ?? Sen. Trillanes
Sen. Trillanes

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines