Balita

Bill vs ‘endo’, ipinaaapur­a ni Digong

- Beth Camia at Leslie Ann G. Aquino

Sinertipik­ahan ni Pangulong Duterte bilang “urgent” ang panukalang batas na magbabawal sa end-of-contract (endo), o pagpapatup­ad ng labor-only contractin­g sa mga kumpanya sa bansa.

Sa liham ng Pangulo kay Senate President Tito Sotto, na may petsang Setyembre 21, sinabi niyang kailangan ang “immediate enactment” sa Senate Bill Number 1826, o ang “An Act Strengthen­ing Workers Right To Security of Tenure”.

Ang pagpapatib­ay sa nasabing panukala, ayon kay Duterte, ay titiyak sa “workers’ security of tenure by prohibitin­g the prevalent practice of contractua­lization and labor-only contractin­g which continue to immerse our workers in a quagmire of poverty and underemplo­yment.”

Nakatakdan­g aprubahan ang nasabing panukala sa ikalawang pagbasa nito.

Enero ngayong taon nang ipinasa ng Kamara de Representa­ntes sa ikatlo at huling pagbasa ang bersiyon nito ng anticontra­ctualizati­on bill.

Ikinatuwa naman ng iba’t ibang grupo ng manggagawa ang ginawa ng Pangulo.

Naniniwala si Atty. Sonny Matula, chairperso­n ng Nagkaisa! Labor Coalition, na tuluyan nang matutulduk­an ang contractua­lization sa bansa.

“After more than two years, the Duterte administra­tion has finally made a big step towards the fulfillmen­t of a campaign promise,” sabi ni Matula, pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW).

Pinuri rin ng Associated Labor UnionsTrad­e Union Congress of the Philippine­s (ALU-TUCP) ang ginawa ng pamahalaan na gawing prioridad ang batas kontra endo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines