Balita

Robredo naaalarma sa ‘Red October’ plot

- Nina RAYMUND F. ANTONIO, FRANCIS T. WAKEFIELD at GENALYN D. KABILING

Nakakatawa­ng nakakatako­t.

Ito ang reaksiyon ni Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo sa mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya at sa Liberal Party sa diumano’y “Red October” plot para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Robredo, lider ng oposisyon, na “alarming” ang alegasyon ng militar na siya at ang LP, na kanyang pinamumunu­an, ay bahagi ng planong patalsikin si Duterte.

“For while the claims themselves are absolutely ridiculous, the attempt to delegitimi­ze various opposition groups and personalit­ies by linking them to an alleged extra-constituti­onal ‘plot,’” aniya.

Iginiit ng Vice President na walang basehan ang mga alegasyon ng mga opisyal ng militar laban sa kanila, at sinisira nito hindi lamang ang oposisyon kundi ang demokrasya ng bansa.

Nagbabala si Brigadier General Antonio Parlade, deputy chief of staff for operations ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP), nitong weekend na may planong tinatawag na “Red October” para paalisin sa puwesto si Duterte.

Sinabi niya na ang Liberal Party at si Senator Antonio Trillanes IV at ang kanyang grupong Magdalo ay nais na makipag-alyansa sa mga grupong Tindig Pilipinas at Movement Against Tyranny para sa planong patalsikin ang Pangulo.

Ayon kay Robredo pinopoliti­ka ng mga opisyal ng militar ang AFP sa paguugnay sa oposisyon sa Red October.

“They politicize the AFP, subvert Constituti­onal protection­s, and weaken a crucial mechanism for ensuring public accountabi­lity,” aniya.

Nilinaw naman ng Malacañang kahapon na hindi kasama si Robredo sa listahan ng mga personalid­ad na nagbabalak na patalsikin si Duterte.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, inaasahan nilang hindi susuportah­an ni Robredo ang anumang planong patalsikin ang duly-elected President.

“As far I know, she was not amongst those specifical­ly named to be part of the conspiracy,” ani Roque sa news conference sa Palasyo.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon na mahigpit nilang binabantay­an ang komunistan­g New People’s Army at iba pang grupo na nagbabalak na paalisin sa puwesto si Pangulong Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na sineseryos­o nila ang mga banta mula sa komunista at “grand coalition and broad united front”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines