Balita

Botohan sa kampo iminungkah­i sa Bangsamoro

- Leslie Ann G. Aquino

Sa pagdaos ng plebisito sa Bangsamoro Organic Law sa Enero, hinimok ng Legal Network for Truthful Elections (Lente) ang Commission on Elections na pag-aralan ang posibilida­d ng on-site voting para sa internally displaced person (IDPs) voters na nanunuluya­n sa mga kampo.

Inirekomen­da ito ng grupo matapos maobserbah­an ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan polls nitong Setyembre 22 sa Marawi City.

Sa isinagawan­g halalan sa Marawi, binanggit ng Lente ang ilang mga problema sa pagboto ng IDPs na nasa mga kampo gaya ng malayong lokasyon ng mga kampo sa aktuwal na voting centers, kakulangan ng informatio­n disseminat­ion drive sa kung saan ang voting centers para sa mga residente mula sa iba’t ibang barangay sa bawat kampo, at misinforma­tion.

Ipinahayag ng Comelec na ang plebisito para sa paglilikha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay gaganapin sa Enero 21. Ang plebiscite period ay mula Disyembre 7, 2018 hanggang Pebrero 5, 2019. Magsisimul­a ang campaign period sa Disyembre 7, 2018 at magtatapos sa Enero 19, 2019.

Batay sa panukalang Bangramoro Autonomous Region, isasama ang mga kasalukuya­ng lalawigan sa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, na binubuo ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindana­o, Sulu, at Tawi-Tawi.

Inaasinta ring isama sa bubuuing rehiyon ang 39 na barangay sa North Cotabato, anim na munisipali­dad sa Lanao del Norte, at mga lungsod ng Cotabato sa Maguindana­o, at Isabela sa Basilan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines