Balita

PM Ardern isinama ang sanggol sa UN assembly

-

UNITED NATIONS, United States (AFP) – Nakaw-tingin si New Zealand Prime Minister Jacinda Arder nang dalhin niya ang kanyang tatlong buwang anak na babae sa UN assembly hall.

Ang 38-anyos ang naging pangalawan­g world leader na nanganak habang na puwesto. Ang una ay ang yumaong si Benazir Bhutto, prime minister ng Pakistan nang isinilang niya ang kanyang anak na babae noong 1990.

Nakuhaan ng litrato ang premier na hinahalika­n at kinakarga ang kanyang anak na si Neve sa main assembly hall katabi ang partner na si Clarke Gayford, sa plenary meeting na kilala bilang Nelson Mandela Peace Summit, kung saan nagtalumpa­ti rin siya.

Nag-tweet si Gayford, host ng isang television fishing show, ng litrato ng UN diplomatic photo ID ng sanggol na tinutukoy itong ‘’New Zealand first baby’’.

‘’I wish I could have captured the startled look on a Japanese delegation inside UN yesterday who walked into a meeting room in the middle of a nappy change. Great yarn for her 21st,’’ isinulat niya.

Matapos ang anim na linggong maternity leave, nagbalik sa trabaho si Ardern noong nakaraang buwan. Ipinahayag niya na bibiyahe silang pamilya sa United Nations sa New York, kung saan magtatalum­pati siya sa General Assembly. Nitong Lunes ng umaga, nagsalita siya sa paglulunsa­d ng taunang ‘’Climate Week’’ event.

Dahil sa kanyang pagbubunti­s, pagiging ina at coalition government, si Ardern ay naging poster child ng feminism sa kasagsagan ng #MeToo movement sa United States, kung saan nakikibaha­gi siya sa serye ng media appearance­s.

‘’It felt at the time on par I have to say!’’ biro niya sa The Today Show, ang morning program ng NBC News, nang tanungin kung alin ang mas mahirap – ang isama ang tatlong buwang sanggol sa 17-oras na flight o patakbuhin ang bansa.

 ?? AFP ?? UN BABY Si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern (kanan), kasama ang partner na si Clarke Gayfor at anak nilang si Neve Te Aroha Ardern Gayford, sa United Nations sa New York, nitong Lunes.
AFP UN BABY Si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern (kanan), kasama ang partner na si Clarke Gayfor at anak nilang si Neve Te Aroha Ardern Gayford, sa United Nations sa New York, nitong Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines