Balita

54 nahukay sa Cebu landslide

- Francis T. Wakefield at Tara Yap

Umabot na sa 54 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Naga City, Cebu, ayon Central Command of the Armed Forces of the Philippine­s (CentCom, AFP).

Sa isang pahayag, sinabi ng CentCom na tatlong araw matapos ipakalat ang karagdagan­g tropa para sa rescue mission at karagdagan­g rescue volunteers, ang kabuuang bilang ng mga narekober na nawawala ay tumaas mula sa 29 nitong Sabado ay naging 54 nitong Lunes.

Ayon kay Captain Dave Anthony Pajel ng Army's 53rd Engineer Brigade, na namumuno sa isang rescue team sa lugar, nagpakita ng determinas­yon ang mga rescuers na marekober ang iba pang biktima.

“We have been very determined and focused to ensure fast recovery of the victims of this catastroph­e. There are moments when we forget to take our meal just to ensure we never miss any opportunit­y to recover hopefully, any survivors who might just be waiting for our response," ayon kay Pajel.

Samantala, nais ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) na i-review ang operasyon sa quarry sites sa Western Visayas.

"I want careful assessment and validation of the quarry sites to prevent major landslide or erosion incidents," pahayag ni DENR-6 Regional Director Jim Sampulna.

Ito ay kahit hindi kasama ang Western Visayas sa moratorium order ni DENR Secretary Roy Cimatu. Simula nitong Setyembre 21, pansamanta­lang ipinatigil ang quarrying sa Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao, at Caraga.

 ??  ?? KAPAYAPAAN NG KALULUWA Inihilera ang mga litrato ng mga biktima ng landslide sa Naga City, Cebu nang misahan sa St. Francis of Assisi sa Naga City, kamakalawa. JUAN CARLO DE VELA
KAPAYAPAAN NG KALULUWA Inihilera ang mga litrato ng mga biktima ng landslide sa Naga City, Cebu nang misahan sa St. Francis of Assisi sa Naga City, kamakalawa. JUAN CARLO DE VELA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines