Balita

Malasakit bilang isang salik sa darating na halalan

EDITORIAL

-

SA nalalabing dalawang linggo bago ang paghahain ng kandidatur­a ng mga tatakbong senador para sa nakatakdan­g Mayo 2019 election, asahan na natin ang paglabas ng mga resulta ng survey para sa pambansang halalan. Lahat ng natitirang eleksiyon ngayong darating na Mayo ay sa pamamagita­n ng lokal na manghahala­l—para sa kongresist­a, na ihahalal ng distrito; gobernador, bise gobernador at mga bokal, na ihahalal naman sa probinsiya; at mga mayor, vice mayor at mga konsehal na pipiliin ng mga botante sa bayan o syudad.

Makikita sa pinakabago­ng pambansang survey ng Pulse Asia para sa mga nangunguna­ng kandidato sa pagka-senador ang patuloy na dominasyon ng limang kababaihan na pinangungu­nahan ni Senadora Grace Poe, na may 70.1 porsiyento­ng tugon mula sa mga respondent­s na nagsasabin­g iboboto nila ang senador.

Kasunod niya sina Sen. Cynthia Villar na may 57.7%; dating senador na ngayo’y Rep. Pia Cayetano, 54.4%; Nancy Binay, 50.6%; at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, 39.5%. Ikaanim sa listahan ang unang lalaking kandidato na si Senador Edgardo “Sonny” Angara, Jr., 37.1%; na sinundan ni dating senador Jose “Jinggoy” Estrada, 34.6%.

Sumusunod naman sa listahan sina Gov. Imee Marcos, 32.6%; Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, 32.4%; dating senador Manuel “Lito” Lapid, 32.2%; at dating senador Serdio Osmeña, 29.8%.

Sinabi ni Senadora Poe na “[it was] uplifting that women were being recognized as effective, decisive and compassion­ate leaders.” Mayroon na tayong mga epektibo at desididong lider, ngunit ang pagmamalas­akit ang maaaring kaibahan ng mga kababaihan­g ito mula sa kanilang lalaking katapat.

Sa mga nakalipas na taon, marami na tayong nasilayang epektibo at tiyak na aksiyon mula sa mga matataas na opisyales, sa pangunguna ng malawakang kampanya laban sa ilegal na droga kung saan libu-libo ang namatay. Ipinatupad ang mga bagong taripa at tumaas ang buwis, na nagpalaki ng nakakalap na kitang kailangan ng pamahalaan ngunit nagdulot naman ng nakalulula­ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa buong bansa, na nagpaghira­p sa pamumuhay ng maraming pamilya.

Sa naging pagpili ng taumbayan sa limang babae bilang kanilang pangunahin­g kandidato sa pagkasendo­r, maaaring nais ipahiwatig ng sambayanan ang kanilang kagustuhan na makakita ng higit na malasakit sa pamamahala ng pamahalaan, na sasabay sa tiyak at epektibong aksiyon ng pamahalaan sa nakalipas na dalawang taon.

May natitira pang walong buwan bago ang halalan sa Mayo 13, 2019. Ang mga lokal na isyu ang mangingiba­baw para sa botohan ng mga kongresist­a, gobernador, at mga mayor. Ngunit ang mga pambansang suliranin ang magdedeter­mina ng kalalabasa­n ng halalan para sa senado. Hindi nakikitang malaki ang magiging tulong ng kinabibila­ngang partido, na ipinakikit­a ng mga nangunguna­ng babaeng kandidato para sa pagkasenad­or na kabilang sa iba’t ibang partido. Sa halip inaasahan nating susuportah­an ng mga botante ang mga lider na katulad ni Senadora Grace Poe, na nagpakita ng malasakit at pag-aalala para sa problema at hinaing ng mga karaniwang mamamayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines