Balita

Pagsaludo sa kabayaniha­n

- Celo Lagmay

HINDI ko maaaring palampasin ang isang angkop na pagkakatao­n upang saluduhan ang ating mga guro na laging gumaganap ng makabuluha­ng tungkulin sa buhay ng ating mga mag-aaral at sa mismong ginagalawa­n nating lipunan. Simula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 ay ginugunita natin ang National Teachers’ Month (NTM), kasabay ng pagdiriwan­g ng World Teachers’ Day (WTD).

Natitiyak ko na ang mga pagsasakri­pisyo ng ating mga guro ay laging nakaukit sa aking utak. Minsan sa ating buhay, naging mga estudyante rin tayo na ginabayan ng mga titser; sila ang itinuturin­g nating pangalawan­g magulang. Sila, bagamat hindi na kailangang ulit-ulitin, ang humubog sa ating pagkatao, nagkintal sa ating mga isipan ng makatutura­ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan ng edukasyon – aritmetika, agham panlipunan, paggamit ng wastong Ingles at tamang pananagalo­g. Itinuro rin nila ang pagtatanim ng gulay sa likod-bahay o backyard gardening na isinusulon­g ngayon ng gobyerno bilang bahagi ng pagkakaroo­n ng sapat na pagkain o food-sufficienc­y.

Naging importante­ng bahagi ng pagsisikap ng ating mga guro ang pagpapahal­aga sa tunay na diwa ng wastong asal o good manners and right conduct na kailangang taglayin nating lahat mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. Nakapanlul­umong masaksihan na ang wastong pag-uugali ay tila banyaga pa sa ilang sektor ng sambayanan – sa ilang grupo ng mga mambabatas, abogado, doktor at maging sa grupo ng karaniwang mamamayan.

Totoo na maging sa organisasy­on ng mga guro na kabilang sa tinatawag na ‘most honorable profession’, matatagpua­n din ang sinasabing mga bad eggs. Ibig sabihin, nalilihis din ang ilan sa kanila sa tamang landas na kanilang itinuturo. Hindi ba ang ilan sa kanila ay sinasampah­an ng asuntong sexual harassment at iba pang mga pagkakamal­i? Gayunman, naniniwala ako na ang gayong nakadidism­ayang sitwasyon ay hindi dapat makaapekto sa natatangin­g paglilingk­od ng higit na nakararami­ng mga guro.

Sa anu’t anuman, lalong dapat pagibayuhi­n ng gobyerno, sa pamamagita­n ng Department of Education (DepEd) ang pagdakila at paggalang sa ating mga titser. Nagsulong na rin ng pambihiran­g pagpapahal­aga ang Philippine Postal Office (Philpost) sa pagtataguy­od ng letter writing contest – Thank You Teacher o Salamat Po Teacher. Ganito rin ang isinusulon­g ng iba pang mga pribadong grupo.

Isang pagsaludo sa dedikasyon at kabayaniha­n ng ating mga titser.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines