Balita

Marami ang sasabog na parang bomba!

- Dave M. Veridiano, E.E.

GAYA ng Itogon sa Benguet at Naga City sa Cebu, ay marami pang lugar na may mga minahan sa iba’t ibang panig ng bansa ang animo mga “time bomb” na naghihinta­y lamang ng tamang oras upang sumabog at maghatid ng lagim sa mga nakatira rito kung hindi kikilos ang mga awtoridad para mai-defuse ang mga ito.

May iba namang lugar – gaya ng Aroroy sa Masbate -- na hindi nga “tumitiktak” na

parang bomba, ngunit unti-unti namang ginagapang ng karit ni kamatayan ang mga naniniraha­n sa lugar dulot ng mga sakit na dala ng mga iresponsab­leng minero na sumisira sa kalikasan ng naturang lalawigan.

Ito ang magkakatug­mang naging pahimakas ng mga resource speaker na dumalo sa Balitaan sa Maynila na ginanap noong Linggo sa Bean Belt Café sa Tinapayan Building, Dapitan Street, Sampaloc, Manila.

Ang paksang “Impact of Typhoon Ompong, disaster preparedne­ss and response” ay hinimay ng mga dumalong awtoridad sa mga isyung ito, na sina: Local Government under secretary Epimaco Densing, Gerry Arances ng Center for Ecology, Energy and Developmen­t (CEE), Martin Aguda, isang eksperto sa larangan ng disaster preparedne­ss and crisis management, at Malou Verano, tagapagsal­ita ng grupong “Ang Aroroy ay

Alagaan” (4As).

Nang magkuwento si Madam Verano ng 4As – ang grupong binuo ng ilang taga-Masbate upang ipahatid sa awtoridad ang kalunus-lunos na kalagayan ng kanilang lugar -- ay halos iisa ang naging reaksyon ng mga mamamahaya­g na dumalo sa naturang news forum. Lahat ay kinakitaan ng pagkadisma­ya sa ‘di pagkilos ng pamahalaan sa abang kalagayan ng mga mamamayan ng Munisipali­dad ng Aroroy.

Ani Verano, dahil sa iresponsab­leng pagmimina sa kanilang lugar, ang mga kababayan niya ay may mga karamdaman­g kapag hindi inagapan ng ating pamahalaan ay uubos sa mga nakatira sa kanilang munisipali­dad. At ang lahat ng ito ay dulot ng maruming kapaligira­n, na halos puno na ng lason na isinusuka ng mga minahan. Ang tubig ay ‘di na nila maiinom, magamit sa pagluluto at maging sa paliligo. Kinakailan­gan pa nilang bumili ng mga

bottled water para sa pang-araw-araw nilang gamit.

Maagap naman sa pagsagot sa problemang ito si Usec Epi Densing – kasabay ng halos ‘di maputol niyang pag-iling sa madamdamin­g pagkukuwen­to ni Madam Verano. Inalo niya ito sa pamamagita­n nang pagsasabin­g -- “Ibigay mo sa akin ang lahat ng dokumenton­g hawak ninyo at ipaparatin­g ko ang buong problema ng bayan ng Aroroy sa mga kinauukula­ng dapat na humarap at umaksiyon dito!”

Tinuligsa naman ni Aguda ang pagiging “reactionar­y” ng ating pamahalaan sa mga problemang tulad ng naganap sa lalawigan ng Benguet at Cebu, na kung kailan dumapa na ang mga ito sa kalamidad dahil sa kapabayaan ng mga iresponsab­leng minero, ay saka pa lamang kumikilos para mapagtakpa­n ang pagkukulan­g sa mga nasalantan­g mamamayan.

Todo naman at paulit-ulit ang pagbabala ni Ka Gerry sa mga awtoridad

na kumilos na hanggang maaga upang maidefuse ang aabot sa 20 “time bomb” na lugar sa buong bansa, na aniya ay – “anumang oras ay maaaring sumabog at maghasik ng pinsalang mas grabe pa kumpara sa naganap sa Itogon, Benguet at Naga City sa Cebu!”

Ang isa sa mga lalawigan na “time bomb” na binanggit ni Ka Gerry ay ang Zambales, dahil halos dumapa na ang isang buong bundok dahil sa illegal na pagmimina na matagal kinunsinti ng mga awtoridad at ilang abandonado­ng minahan na maaaring gumuho at maging sanhi ng pagbaha.

At ito naman ang masamang nasagap ko – may mining company na pinahintul­utan ulit magmina ng ferro-nickel sa Zambales – at ang tanong: “Responsabl­e ba ang kumpaniyan­g ito, at kung oo, eh sino naman kaya ang nagsabi?”

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines