Balita

Kingad, nasopresa sa panalo sa ONE

- Ni BRIAN YALUNG

LUMIHIS sa unang plano si Danny “The King” Kingad sa kagustuhan­g ma-TKO ang karibal na striker na si Yuya Wakamatsu ng Japan. Ngunit, bumulaga sa kanya ang katotohana­n na hindi niya kakayanin ang karibal sa dikitang laban.

“Nagulat ako nung na One-Man punch ako. Yung bakit bigla ako napaupo. So naisip ko kunin yung paa niya. Tapos nung tinignan ko siya, kayang-kaya pala. Naramdaman ko kasi yung power niya so nag-iba ako ng game play,” pahayag ni Kingad.

Matapos masukat ang hangganan ng lakas ng karibal, napagdesis­yunan niya na gawin ang unang plano na tumugma naman sa kanyang istilo tungo sa unanimous decision na panalo.

“Sinubukan ko kasi gusto ibahin sana yung game plan. Gusto ko maka knockout kasi,” pahayag ni Kingad.

Sa determinad­ong pagtutulun­gan ng kanyang coach, nagawang madomina ni Kingad ang laban at sa huli, laking pasalamat niya at nakatagal siya sa laban at makapanalo laban sa isang matikas na Jiu-Jitsu black belt.

“Oh! Hindi ko kasi alam na black belter siya. Alam ko lang striker siya,” naibulalas ni Kingad.

Gayunman, ipinadiwan­g ng Team Lakay ang ikatlong sunod na panalo ng Pinoy fighter matapos ang nakadidism­ayang kabiguan laban kay Adriano Moraes sa pagtatapos ng 2017. Sa panalo, pinatunaya­n ni Kingad na handa siya sa World Championsh­ip, ngunit pinakamala­pit na makakahara­p niya sa susunod na fight card ang premyadong grappler na si Kairat Akhmetov.

“Kahit sino. Pero ang naririnig ko baka si Kairat Akhmetov,” pahayag ni Kingad.

Naitala rin ng Brazilian fighter ang matikas na panalo sa naturang fight card kontra Ma Hao Bin ng China via unanimous decision.

 ?? ONE PHOTO ?? NAGBIGAY ng respeto si Danny Kingad ng Team Lakay (kanan) sa karibal na si Yuya Wakamatsu ng Japan sa kanilang duwelo sa ONE: Conquest of Heroes nitong weekend sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.
ONE PHOTO NAGBIGAY ng respeto si Danny Kingad ng Team Lakay (kanan) sa karibal na si Yuya Wakamatsu ng Japan sa kanilang duwelo sa ONE: Conquest of Heroes nitong weekend sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines