Balita

27 magpapalig­sahan sa Mister and Miss Travel Ambassador­s of Philippine­s 2018

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

PITUMPU’T pitong nangangara­p na travel ambassador­s - 14 na kalalakiha­n at 13 kababaihan – ang iprinisint­a sa media para sa Mister and Miss Travel Ambassador­s of the Philippine­s 2018 contest.

Inihayag ng mga organizer na ang mga magwawagi sa nasabing timpalak ay magiging mga travel ambassador at sila ang magpo-promote ng pag-travel bilang isang mahalaga at educationa­l na uri ng pagliliwal­iw.

“The winners hope to inspire the youth and millennial­s to spread positivity and a truthful voice that will rise up against the divisive and misconstru­ed informatio­n most especially in social media,” lahad ng opisyal ng National Associatio­n of Independen­t Travel Agencies (NAITAS) National Capital RegionNort­h Chapter and Quezon City Tourism Council, ang mga organizer ng paligsahan, sa press presentati­on na ginanap sa Quezon City kamakailan.

Ang grand finals ng Mister and Miss Travel Ambassador­s of the Philippine­s 2018 pageant ay gaganapin sa October 14, ang ikatlong araw ng Philippine Travel Show na nakatakdan­g isagawa sa October 12-14.

Ang mga lalaking kalahok sa pageant ay sina: Juneson Bendijo, Jonathan Joaquin, Ranier Macabare, Vandave Paragas, Ronald Angeles, Jelo Guevara, John Paul Juanillo, James Vega, Anthony Bona, Julius Lacay, Chris Gallego, Riyu Uchimura, Philip Fuertes, at Cris Domingo.

Ang mga babaeng kandidata naman ay sina: Jeanne Talania, Stephanie Magno, Rheycel Luganob, Jammel Magallano, Munerah Saleh, Agnes Tolentino, Elisa Taylor, Trizia Abaya, Diane Mag-abo, Eirrena Patricia Estudillo, Margareth Alcala, Riza Carrillo, at Maria Concepcion Malabanan.

Ayon sa mga organizer, layunin ng naturang tatlong araw na event na i-promote ang turismo, hindi lang sa Pilipinas, kundi ang paglalakba­y in general, sa tinatayang 100 exhibitor sa expo. Mag-aalok din ang mga exhibitor ng tour sa may 15,000 bisita at mga sponsor sa expo.

 ?? NOLI BERIOSO ?? PRESS PRESENTATI­ON Nagpakuha ng litrato ang mga opisyal na kandidata ng Mister and Miss Travel Ambassador­s of the Philippine­s 2018 sa press presentati­on, na ginanap sa Quezon City, kamakailan.
NOLI BERIOSO PRESS PRESENTATI­ON Nagpakuha ng litrato ang mga opisyal na kandidata ng Mister and Miss Travel Ambassador­s of the Philippine­s 2018 sa press presentati­on, na ginanap sa Quezon City, kamakailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines