Balita

Prosecutor, nais makulong si Bill Cosby ng 5-10 years

-

NANAWAGAN para sa hustisya ang babaeng nag-akusa kay Bill Cosby ng sexual assault na natuloy sa conviction nito, sa maikling testimonya sa unang araw ng dalawangar­aw na paghahatol sa komedyante nitong Lunes, kung saan hiniling ng mga prosecutor na makulong si Bill nang hanggang sa 10 taon.

Abril nang kinasuhan si Bill ng drugging at sexual assault ni Andrea

Constand, dating kawani sa kanyang alma mater na Temple University, sa Philadelph­ia noong 2004 at hinatulan nitong Martes. Mahigit 50 iba pang babae ang nag-akusa kay Bill ng sexual abuse, na nangyari umano ilang dekada na ang nakalipas.

Kasama ang pamilya, tumestigo si Andrea sa korte habang nakaupo si Bill, 81, hindi kalayuan sa kanya.

“Your honor, I have testified,” lahad ni Andrea. “I have given you my victim impact statement. The jury heard me. Mr. Cosby heard me. All I am asking for is justice as the court sees fit.” Sa kanyang sariling pahayag sa korte, sinabi ni Gianna, ina ni Andrea, na inatake ni Bill ang reputasyon ng kanyang anak upang mapangalaa­n ang sariling dignidad. “He basically protected himself at the cost of ruining many lives,” dagdag pa niya. “I pray a sense of peace will be restored to our family.”

Si Bill ang unang celebrity na unang nahatulan simula nang magsimula ang #MeToo movement. Lumikha siya ng family-friendly reputation sa pamamagita­n ng pagganap sa karakter ni Dr. Cliff Huxtable noong 1980s sa television comedy show na The Cosby Show.

Plano namang umapela ng mga abogado ni Bill sa hatol na guilty.

 ??  ?? Bill
Bill

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines