Balita

Prince Tao dinumog ng fans sa Manila

- Ni JONATHAN HICAP

SALAMAT sa pinagbidah­ang remake ng 2006 hit Korean drama na Princess

Hours, naging popular ang Thai actor at singer na si Sattaphong “Tao” Phiangphor sa Pilipinas.

Sa Thai remake, na napanood sa GMA Network, gumanap si Tao sa karakter ni Crown Prince Ian, ang tagapagman­a sa trono ng fictional kingdom ng Bhutan, na karibal naman ni Crown Prince Lee Shin, na ginampanan ng Korean na si Ju Ji-hoon sa original series.

Dahil sa kanyang tumitindin­g popularida­d sa Pilipinas ay nakipagkit­a ang 28 taong gulang na aktor mula sa Kalasin, Thailand, sa kanyang Pinoy fans kamakailan. Ginanap ang kanyang Prince Tao: The Royal Fan Convention nitong Setyembre 23 sa Cinema 6 ng SM City North EDSA. Isang gabi bago ang event, nagkaroon naman ng press conference sa Novotel Manila Araneta Center ang aktor kung saan tinalakay niya ang tungkol sa kanyang career at ang kanyang sumisiglan­g popularida­d.

Nasa event din si Royal Thai Embassy in Manila’s Charge d’Affaires Urawadee Sriphiromy­a at First Secretary Thassarany Noivong para suportahan si Tao.

Sumali si Tao bilang mang-awit sa Thai reality show na Academy Fantasia noong 2011 at bumida sa Thai remake ng popular na Korean drama, ang Coffee Prince noong 2012. Mula noon, ipinagpatu­loy na niya ang kanyang career bilang singer at actor sa Thailand.

“I started singing at age 20. I didn’t learn it profession­ally. But I joined Academy

Fantasia. At the contest, there were three months of training. That’s how I was able to train. Acting in lakorn (Thai soap opera) is also hard. I also had to study,” aniya.

Nagsimulan­g umere ang Princess Hours sa Pilipinas noong July at isiniwalat ni Tao na nasorpresa siya nang maging tanyag siya sa bansa.

“At first I didn’t expect that it would catch on. I was tagged on Instagram by fans. I followed the tags and I started to see that the ratings in the Philippine­s started to rise. That was when it dawned on me and I said, ‘Oh my goodness.’ I felt proud. I’m really, really happy to be here,” aniya.

Nang dumating si Tao sa bansa nitong Sabado ay naghihinta­y ang fans niya sa airport.

“I was happy and excited. I was happy with the welcome. It felt good,” sabi niya.

Ito ang unang pagbisita niya sa bansa at sa lahat ng puwedeng gawin sa bansa, aniya, “I wanted to see the jeepneys and I got to see it.”

Pero ang mas mahalaga, gusto niya talagang makasalamu­ha ang kanyang Pinoy fans sa convention.

Sa takbo ng kanyang career ay marami na siyang ginampanan­g roles at ikinokonsi­dera niya si Prince Ian “(as the) most challengin­g because I’ve never been a prince before.”

 ??  ?? Tao
Tao

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines