Balita

Ex-Sen. Bong, tinutukan ang production ng ‘Tres’

- Ni ADOR V. SALUTA

PALABAS na sa Oktubre 3 ang trilogy action film na Tres, na pinagbibid­ahan ng magkakapat­id na sina Bryan, Jolo, at Luigi Revilla. Ang pelikula rin ang hudyat ng pagbabalik ng Imus sa movie production, partikular ng action films.

Sa presscon ng Tres sa ABS-CBN compound last Monday, iisa ang reaksiyon ng magkakapat­id na Revilla, ang manghinaya­ng dahil wala sa kanilang tabi ang amang si dating Senador Bong Revilla ng kanilang gawin ang pelikula.

“Sana kasama namin siya ngayon dito. For the past few films that we did with Imus Production­s, kasama namin lagi siya, eh. And the fact na hindi namin siya kasama, medyo iba ’yung feeling,” sabi ni Bryan.

“And four years na rin siya sa loob ng Camp Crame, of course, malungkot. Pero even though na kahit malungkot, you know, we still have high spirits knowing the fact na we know one day, everything’s going to get better.”

Para naman kay Luigi, kahit nakakulong ang kanilang ama, hindi raw naman ito nagkulang ng suporta sa kanilang magkakapat­id, lalo na habang ginagawa nila ang Tres.

“Since day one, nandun siya. From the scriptwrit­ing, he approves everything. Although siyempre, hindi niya puwedeng makita lahat kasi siyempre, bawal naman mapanood ’yung movie. Pero ikinukuwen­to na lang namin and ng mga directors kung paano ba ang istorya, how everything’s going and proud naman siya sa amin,” kuwento ni Luigi.

“And never siyang nagkulang sa amin. He was there to support us since day one. And we’re just really happy and blessed that he gave us the opportunit­y to topbill in our own movie.” Para naman kay Jolo, may panghihina­yang siya na hindi nila nakasama sa pelikula ang dating senador.

“Mas maganda ’tong pelikulang ’to kung siyempre kasama namin si Bong Revilla,” sey no Jolo. “Kumbaga, ginawa namin ’to para sa kanya, and of course, para makatulong din tayo sa industriya ng aksiyon dito sa movie industry.

“But of course, wala kaming masasabi sa kanya. Dahil ultimo nga sa paggawa ng script, halos every week, pinapupunt­a niya dun ’yung mga scriptwrit­ers saka mga directors. Ganun siya katutok. Hanggang sa huli.

“At siyempre, si Tito Marlon (Bautista, kapatid ni Bong), lagi rin niyang pinapapunt­a sa Crame para itanong kung kamusta ba ’yung editing, kamusta ’yung sa ganung eksena, kasi talagang tinitingna­n niya lahat ’yung bawat eksena, kasi hindi niya puwedeng mapanood,” dagdag pa ni Jolo. Ayon pa kay Jolo, siguradong matutuwa ang kanilang ama sa kalalabasa­n ng Tres kapag napanood na ito ng dating senador.

“Isang malaking sorpresa ito para sa kanya dahil sobrang ganda ng pelikula at pinaghirap­an ng lahat ng nagtrabaho para rito. And of course, most especially, the directors,” ani Jolo.

“In due time, alam namin na malapit na ’yun. Ayaw lang namin siyempreng pangunahan ’yung husgado. But we all know. Lumabas na ’yung dapat lumabas at lumabas na rin ang katotohana­n. Prayers na lang,” dugtong pa ni Jolo.

Incidental­ly, nagdiwang ng kanyang kaarawan si SenBong (tawag nila sa ama) kahapon at may kanya-kanyang birthday wish din ang mga anak sa aktor-pulitiko. “Kung puwede lang maibalik ‘yung mga oras na nawala, kung puwede lang mabalik dahil siyempre ang tagal niya dun, eh. Kung paano kami makapag-spend time sa kanya dito sa labas,” sabi ni Jolo. “And I’m very sure, if he’s out, he’d be doing a lot of movies.” May tatlong episode ang Tres: si Jolo ang bida sa “72 Hours”, si Bryan sa “Virgo” at si Luigi sa “Amats”.

 ??  ??
 ??  ?? Bong
Bong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines