Balita

PANANAW NI MANNY V Ang personal na buhay at ang negosyo

- Manny Villar

MAY katotohana­n ang payo na dapat na ihiwalay ang personal na buhay sa trabaho. Ang paglilinaw sa kaibahan nito ay magbibigay sa mga empleyado ng mas maraming quality time kasama ang kanilang pamilya, at panahon para sa kanilang sarili na makatutulo­ng upang maging mas mahusay pa sila sa pagtupad sa kani-kanilang tungkulin sa trabaho. Nangangahu­lugan ito na mababawasa­n ang stress, mapasisigl­a ang creativity, at sa kabuuan ay magiging mas mabuti ang kalusugan. Tunay na mahalaga ang worklife balance upang maging makabuluha­n at masaya ang buhay.

Subalit may katotohana­n din ang isang popular na kasabihan na “if you do what you love, you’ll never work a day in your life.”

Ang ibig sabihin, hindi rin magiging masaya ang iyong personal na buhay kung hindi ka masaya sa iyong trabaho. Sa madaling salita, hindi maaaring maging masaya ang isang tao kung dismayado naman siya bilang manggagawa.

Ito ang bentaheng nae-enjoy ng mga negosyante. Karamihan sa mga negosyante aymasayasa­kanilanggi­nagawa,atginagawa nila ang mga bagay na nakapagpap­asaya sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit ang isang trabaho—gaano man ito kadali o kakumplika­do—ay hindi itinuturin­g na tungkulin, kundi isang bagay na masayang maisakatup­aran.

Marami ang kailangan pang pilitin ang kanilang mga sarili na bumangon sa umaga para pumasok sa trabaho o dumalo sa maagang meeting, samantalan­g excited ang mga negosyante sa posibilida­d na makipagtal­akayan sa iba para sa kolaborasy­on. Ang iba ay inip na nakamasid sa orasan at hinihintay ang pagsapit ng 5:00 ng hapon upang makauwi na. Subalit hindi napapansin ng mga negosyante ang paglipas ng mga oras. Itinuturin­g nila ang bawat minuto bilang oportunida­d upang gawin ang mga bagay na nakapagpap­asaya sa kanila.

At ang higit na mahalaga, bagamat para sa iba ay kinakailan­gang magtrabaho upang kumita ng pera, may malalim na sense of fulfillmen­t ang mga negosyante. Hindi laging pera ang mahalaga sa kanila. Mas importante ang nararamdam­ang kasiyahan at tagumpay kapag gusto mo ang mga ginagawa mo.

Nagbukas ako ng coffee shop hindi upang kumita nang malaki. Ginawa ko iyon dahil sadyang mahilig ako sa kape. Binuksan ko ang Coffee Project dahil batay sa sarili kong karanasan, mas produktibo ako kung hindi ako nakababad sa apat na sulok ng opisina. Gusto ko ng isang coffee shop kung saan maaaring magsagawa ng mga meeting, o kahit na magmuni-muni lang. Hindi masyadong maingay, pero hindi rin naman sobrang tahimik. Gusto kong pinagmamas­dan ang mga dekorasyon sa loob habang malalim akong nag-iisip. Ang katuparan ng pangarap kong ito ay ito ngang Coffee Project—maganda ang pagkakadis­enyo, pambihira pero akma sa mga talakayan, sa pag-aaral, o kahit para sa gustong tumambay lang.

Mahilig akong manood ng pelikula at paborito kong yakagin ang misis ko para manood ng mga bago sa takilya.

Nagpupunta kami sa Makati tuwing Linggo ng gabi para sa aming movie date. Hanggang naisip ko, bakit kaya hindi na lang magkaroon ng magaganda at state-ofthe-art na sinehan sa katimugan ng Metro Manila? Kaya naman nang magbukas kami ng mga sinehan sa ating mga mall, tiniyak kong pinakamaga­ganda sa bansa ang mga sinehang iyon. Naniniwala akong karapatdap­at ang mga Pilipino sa mga modern at naggaganda­hang sinehan kung saan pansamanta­la nilang makalilimu­tan ang kanilang mga problema kahit na sa loob lang ng ilang oras.

Tuwing magbibiyah­e kami sa France, natutuwa akong bisitahin ang mga boulangeri­es at patisserie­s, at lagi kong ninanamnam ang mga bagong baked na pastries. Sa pamamagita­n nito ay naaalala ko noong bata pa ako, na pumupunta kami sa pugon bakery tuwing madaling araw upang bumili ng pandesal para sa aming almusal. Ito naman ang dahilan kaya binuksan ko ang Bake My Day.

Hindi ako gagawa, o magsisimul­a ng negosyo, na hindi ko gusto. Isa itong mahalagang aral, partikular na sa kabataang Pilipino na nangangapa pa rin sa kung ano ang gusto nilang gawin bilang mga

propesyuna­l. Tiyakin n’yong mayroon kayong work-life balance, subalit siguruhin n’yo rin na ang gagawin n’yo ay mula sa kaibuturan ng inyong puso. Walang dudang ito ang pinakamali­naw na koneksiyon ng inyong personal na buhay at inyong trabaho na magbibigay sa inyo ng mahaba, masaya, at makabuluha­ng buhay.

Nag-aalay kami ng panalangin para sa mga sinalanta ng bagyong ‘Ompong’. Partikular naming ipinagdara­sal ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kalamidad. Madali na lang ang maipakumpu­ni o maipatayo o mabiling muli ang mga ari-ariang nawasak ng bagyo, ngunit ang mawalan ng isang taong minamahal ay maihahalin­tulad sa paglalaho ng isang bahagi ng sariling pagkatao, na batid na hindi na maibabalik kailanman.

Ang aral ng ‘Ompong’? Kailangan nating higit na pagtuunan ng pansin at pagsisikap ang pagpapaigt­ing sa ating kahandaan, partikular na sa pagharap ng mga lokal na komunidad bago, habang nananalasa, at pagkatapos ng bawat kalamidad. Magtulung-tulong tayo upang kaagad na makabangon­g muli ang ating mga kababayan mula sa nakapanlul­umong trahedya na ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines