Balita

Red October plot itinanggi

- Ni FER TABOY

Kinumpirma kahapon ng Philippine Army (PA) na may lead na sila sa kinaroroon­an ng grupo ni Tirso Alcantara, ang kumander ng New People’s Army (NPA) sa Southern Tagalog na isa sa mga grupong nasa likod ng "Red October" plot na naglalayon­g pabagsakin ang admistrasy­on ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay 2nd Infantry Division Chief Maj. Gen. Rhoderick Parayno, pinakilos na niya ang lahat ng tauhan para arestuhin si Alcantara na kasalukuya­n nagtatago sa Southern Tagalog.

Una rito, nitong Martes ng umaga ay nagsagawa ng raid ang mga sundalo ng 80th Infantry Battalion (IB), kasama ang mga ahente ng National Bureau of Investigat­ion (NBI), sa kuta ng NPA sa Teresa, Rizal kung saan narekober ang matataas na kalibre ng armas at mga improvised explosive device (IED) na pagmamay-ari umano ng rebeldeng grupo.

Sinabi militar na kailangang isailalim muna sa validation ang mga dokumento upang mapatunaya­n ang kanilang involvemen­t sa “Red October" plot.

Base sa report, pinangunah­an ni Alcantara ang planong maglunsad ng pag-atake, katulong ang dating commander ng NPA Regional Yunit Guerrilla na si Armando Lazarte, secretary ng Sub-Regional Military Area 4A ng NPA, sa bahagi ng Rizal.

Tumanggi naman si Parayno na idetalye pa ang mga narekober na dokumento na may kinalaman sa "Red October", ngunit kanila na raw itong sinusuri.

Naniniwala si Parayno na ang presensiya ng mga top NPA leaders sa Rizal, na malapit sa Maynila, ay isang malakas na "indikasyon" sa ouster plot at naghihinta­y na lamang umano ang mga ito ng magandang pagkakatao­n para gawin ang kanilang plano.

Tiniyak ni Parayno na gagawin ng militar ang lahat para mapigilan ang nasabing banta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines