Balita

Piolo, ayaw nang pagusapan si Shaina

- Ni REGGEE BONOAN

NAGING curious ang ilangkatot­otungkolsa kalagayang pinansyal ni Piolo Pascual na sa rami na ng naging projects sa loob ng 20 years bilang artista, ay gaano na kaya ito kayaman? Nang tanungin namin si Piolo tungkol dito ay nagtawanan ang lahat ng nasa paligid namin, maging ang aktor din, ngunit kaagad niya itong sinagot ng, “sapat lang, nakakaluwa­g.”

May koneksyon kasi sa lovelife ng aktor ang tanong namin, dahil sa edad niyang 41 ay alam naman ng lahat kung ano nalanga ng kulang sa buhay niya. Ano na ba ang update sa lovelife ni Piolo?

“Oo nga, eh. Wala pa rin. Kung may ipapakilal­a ka sa akin, sige na,” ito ang nakatawang sabi sa amin ni Papa P.

Muling humagalpak ng tawa ang aktor dahil sa tagal na namin siyang kilala ay ngayon lang namin tinawag na Papa P, “si Reggee oh, tinawag akong Papa P”, natatawa niyang sabi.

Kung kami ang tatanungin ay boto kami kay Piolo para kay Shaina Magdayao na hanggang ngayon ay nanatiling loveless sa edad na 28. Saksi kami sa paglabas-labas nila noon at paglalaro ng ng badminton, pero bigla nalang itong nahinto hanggang sa wala nang balita.

Kaya tinanong namin si Papa P kung sino ang ka-date niya sa nalalapit na ABS-CBN Ball na dating Star Magic Ball, “bola ang dadalhin ko!” natatawang sambit ng aktor.

“Traditiona­lly naman, I’m with,” hindi na nagawang ituloy ng aktor dahil ang katwiran niya, “mahirap kasi ’pag nagsasalit­a ka tapos it’s taken out of context so, siguro, kasama ko si ‘yung anak ko (Iñigo Pascual).”

“Kung sino man ang kasama ko afterwards, bahala na si Batman. Pero there’s a tradition that we do every year, but let’s cross the bridge when it’s built,”nakangiti pang sabi ng tatay ni Iñigo.

Ayaw nang magsalita pa ni Piolo nang tanungin kung si Shaina ba ang posibleng makasama niya sa ABS-CBN Ball.

“Bina-bash kasi ako ’pag nagsasalit­a ako about Shai, so, ayoko na lang magsalita, bahala na. Ang dami kong nakukuha sa Instagram. Masakit magsalita, baka pumatol ako, eh, kaya ayoko na lang magsalita,” esplika ng aktorprodu­cer.

Aniya pa, ipinananal­angin niya na sanay ay manahimik na ang bashers.

“Kasi minsan, masasaktuh­an ka na wala ka sa mood, eh. Eh, ‘yung family ko, diretso sagot agad, so pag naistress ako sa kanila, so pag sumagot ako, pag nasilihan na ‘yun, even the fans also. So, huwag na lang. So, dasal, ‘yun lang.”

Kabaligtar­an ni Piolo ang anak na si Inigo dahil, “Sumasagot ‘yun, eh. Mas sumasagot pa sa akin ‘yun, eh. Pinapagali­tan ko. Sabi ko, ‘easy ka lang, you don’t have to be pikon, at the end of the day, they just want your attention.”

Nabanggit niya ang pag-tweet ni Iñigo tungkol sa mga batang nagkalat sa lansangan na kung hindi kayang buhayin ng mga magulang ay huwag nalang umano silang manganak nang manganak. Dahil doon ay na-bash ang binatilyo.

“Sabi ko sa kanya, ‘wag ka na lang sumagot kung hindi mo kayang ano. Eh nang-aaway, eh. Laking Amerika,” saad pa ni Piolo.

Dagdag payo pa raw niya kay Iñigo, “choose your battles, ‘wag mo patulan lahat, don’t share your thoughts on Twitter, or Instagram or Facebook. Kung may gusto kang sabihin, sarilinin mo na lang, you know, with close set of friends. Para walang judgment.”

Anyway, excited si Piolo sa launching movie ng anak kasama ang rumored girlfriend nitong si Maris Racal, ang I’m Ellenya L, na isa siya sa producer kasama ang Spring Films at N2 Production­s , sa direksyon ni Boy 2 Quizon

at mapapanood sa 1st quarter ng 2019.

Nabanggit din ng aktor na kasalukuya­n silang naghahanap ng direktor para sa pelikulang Marawi

na kukunan mismo sa nasabing bayan dahil nag-resign na si Sheron Dayoc na tubong Zamboanga City.

Ayon sa aktor ang gusto nila ay taga-roon din para authentic ang pagkaka-direk ng Marawi.

“We are actually delayed of the project because we were told not to shoot on the ground zero there’s still explosives devices discovered on the ground zero, so it’s not safe to shoot there.

“And with regards to the script, I could say that there’s been issue with the director but were still pushing with the project and as we speak actually, some of the guys are already scheduling for preparatio­n for the shoot in Marawi,” paliwanag ng Spring Films producer.

Inamin din niya na hindi na muna siya tatanggap ng teleserye kaya ang Since I Found You ang huli niya. Kailangan daw munang tapusin ang lahat ng commitment­s niya sa tatlong pelikula.

 ??  ??
 ??  ?? Piolo
Piolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines