Balita

32,500 ‘MULTO’ NAKINABANG SA 4PS

- Ni ALI G. MACABALANG

COTABATO CITY – Tinanggal na mula sa listahan ng mga benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang mahigit 32,500 “multo” na sumisipsip ng halos P44.8 milyon kada buwan mula sa kaban ng pamahalaan.

Ang mga naturang mga “multo” ay hindi lehitimong benepisyar­yo ng 4Ps o conditiona­l cash transfer (CCT) program na isiningit lang ang pangalan sa listahan para makakubra ng biyaya mula sa programa.

Ayon kay Laisa Alamia, ARMM executive secretary, may 10,000 pang “unfit” o “undeservin­g” na mga nakalista ang nakatakdan­g tatanggali­n mula sa programa.

Ang ARMM, kung saan naroon ang mga lalawigan ng Maguindana­o, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ang mga lungsod ng Marawi at Lamitan, ay isa sa tatlong pinakamara­litang rehiyon sa bansa.

Sinimulang linisin ni Alamia, isang human rights lawyer, ang listahan ng 4Ps sa ARMM matapos siyang hirangin ni Gov. Mujiv Hataman bilang concurrent secretary ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) sa rehiyon noong nakaraang taon.

Ang DSWD ang nagpapatup­ad sa CCT. Sa ilalim ng programa, bawat maralitang pamilya na may tatlong bata, na hindi hihigit sa edad na 14, ay tumatangga­p ng P1,400 kada buwan.

Bago dumating si Alamia, mahigit 370,000 na ang beneficiar­ies ng CCT sa ARRM. Ngunit ilang opisyales, na pinamumunu­an ni Maguindana­o Gov. Esmael Mangudadat­u, ay naghihinal­ang napakalaki ng bilang na ito.

Matapos silipin ni Alamia ang listahan, naniwala siyang 75 porsiyento lang ng mga nakalistan­g pangalan ay genuine.

Sinimulan ni Alamia linisin ang listahan nitong Marso, nang magsagawa siya ng forums sa tulong ng militar at mga opisyales ng barangay, munisipali­dad at probinsiya.

Kasama rin sa forum si ARMM Education Secretary Rasol Mitmug, Jr. at lahat ng school superinten­dents sa rehiyon dahil may mga espekulasy­on na may mga gurong kasabwat sa paglista ng mga “unfit” beneficiar­ies.

Ang mga gurong ito ay kumukobra ng commission mula sa mga pekeng beneficiar­ies.

Sinabi ni Alamia na ang karamahiha­n ng mga “multo” ay nasa Maguindana­o at Lanao del Sur.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines