Balita

63% ng Pinoy, gusto ng solusyon sa inflation

- Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, mas maraming Pilipino ang nagpapahay­ag ng pagkabahal­a sa inflation na kailangang kaagad na tugunan ng administra­syong Duterte.

Ito ang lumutang sa Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Setyembre 1 hanggang 7 sa 1,800 respondent­s.

May 63 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing ang inflation ay isang usapin na dapat kaagad tugunan ng administra­syong Duterte. Ito rin ang nangunguna­ng opinyon sa lahat ng geographic areas at socio-economic classes (53 hanggang 66 porsiyento at 52 hanggang 65 porsiyento, ayon sa pagkakasun­od).

Samantala, 50% ang nagsabi na urgent national concern ang itaas ang suweldo ng mga manggagawa — isang sentimiyen­to na ipinahayag ng karamihan sa Metro Manila (55%), Visayas (59%), at upper-to-middle Class ABC (52%).

Ang iba pang urgent national concerns ay kinabibila­ngan ng pagbawas sa kahirapan (32%), paglikha ng trabaho (30%), paglaban sa graft and corruption sa pamahalaan (26%), paglaban sa kriminalid­ad (23%), pagsusulon­g sa kapayapaan (14%), pagpoprote­kta sa kapaligira­n (13%), pagbawas sa halaga ng buwis na binabayara­n ng mamamayan (12%), at pagpapatup­ad sa batas (11%).

Sa survey, hindi gaanong pinoproble­ma ng mga Pilipino ang kapakanan ng overseas Filipino workers (6%), mabilis na paglago ng populasyon (6%), terorismo (5%), national territoria­l integrity (5%), at charter change (3%).

Wala sa mga isyung ito ang itinuturin­g na urgent ng karamihan sa lahat ng geographic areas at socioecono­mic groupings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines