Balita

15 batang nabakunaha­n, maaaring namatay dahil sa Dengvaxia

- Ni Analou De Vera

VIGAN, ILOCOS SUR – Maaaring namatay ang 15 kabataan na binakunaha­n ng Dengvaxia dahil sa epekto ng naturang dengue vaccine.

Sa isang forum dito kamakailan, sinabi ni Health Undersecre­tary Rolando Enrique Domingo na nakatutok ang Department of Health (DoH) sa 15 sa 62 kaso ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia na sinuri ng Philippine General Hospital Dengue Investigat­ive Task Force.

“Iniisip natin na ito may possibilit­y talaga na merong relationsh­ip sa bakuna kasi yung timeframe, it happened [within] six months; and then most of them I think really died of dengue,” ani Domingo.

Ngunit diin niya, “Hindi natin maeksakto pa because we probably need some more tests.”

Hanggat walang mas malalim na pagsasalik­sik “it is still difficult to correlate.”

Ang pagkamatay ng 37 sa mga bata “appears to be coincident­al only because the clinical features, such as leukemia and heart disease, and it happened after sixmonths. It would be difficult to relate it to the vaccine.”

Walo sa mga kaso ay “unclassifi­ed” dahil walang sapat na impormasyo­n tungkol sa mga nasawi.

Dalawa naman sa mga kaso ang walang case record. “Probably deaths at home, hindi na dinala sa ospital tapos death certificat­e nalang. Walang lab test or anything,” ani Domingo.

Inatasan ng DoH ang task force na suriin ang mga kaso ng mga bata namatay matapos na maturukan ng Dengvaxia.

“Of those deaths, 19 were definitely due to dengue. Meaning, they were vaccinated with Dengvaxia and somehow the vaccine either failed or yun ngang sinasabi natin [the one we are saying] na might have cause severe illness,” sabi ni Domingo.

Noong nakaraang Nobyembre, naglabas ang Sanofi Pasteur, ang French pharmaceut­ical company na gumagawa ng Dengvaxia, ng isang advisory na nagasasabi­ng ang vaccine ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa mga batang nabakunaha­n na hindi pa nagkakaroo­n ng dengue.

Ito ay matapos mabakunaha­n ng Dengvaxia ang mahigit 800,000 batang mag-aaral.

Sinabi ni Domingo na balak ng DoH na kasuhan ang Sanofi bagong matapos ang taong ito.

“We just had a meeting with the Solicitor General two weeks ago, reconsolid­ating the case na ifa-file natin [that we will file] against Sanofi,” aniya.

“Yung sa atin, kasi binentahan tayo ng bakuna na nung una sinabi sa atin na safe for everybody then after... sasabihin nila na hindi naman safe for everybody. So parang ganun yung lines na what we are taking,” dagdag ni Domingo.

 ??  ?? 14 MILYONG PASAHERO Matiyagang nag-aabang ang mga pasahero ng LRT-1 sa Balintawak station sa Quezon City. Nakamit ng naturang railway transit ang isang milestone sa pagkakaroo­n ng 14.6 milyong pasahero nitong Agosto.
MARK BALMORES
14 MILYONG PASAHERO Matiyagang nag-aabang ang mga pasahero ng LRT-1 sa Balintawak station sa Quezon City. Nakamit ng naturang railway transit ang isang milestone sa pagkakaroo­n ng 14.6 milyong pasahero nitong Agosto. MARK BALMORES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines