Balita

UP, La Salle kabilang sa top universiti­es sa mundo

- Beth Camia

Muling nakasama sa listahan ng top universiti­es sa mundo ang University of the Philippine­s (UP) sa taong 2019, at sinamahan ito ng De La Salle University (DLSU).

Nasa ika-501 hanggang 600 ang rank ng UP habang ang La Salle ay nasa 801-100, sa listahan ng Times Higher Educations (THE) World University Rankings 2019.

Ang state university ang nag-iisang unibersida­d sa Pilipinas na nakapasok sa THE world ranking noong 2017 at 2016.

Pumwesto rin ito sa ika-156 sa top 200 universiti­es sa THE’s Asia University Ranking ngayong taon.

Ang Tsinghua University ng China ang pangunahin­g university sa Asia matapos nitong higitan ang National University of Singapore ng isang rank sa world rankings mula sa ika-22 pwesto.

Sa kabuan ng ranking, ang University of Oxford sa UK ang nasa unang pwesto sa listahan ng top university sa buong mundo, na sinundan ng University of Cambridge.

Nasa top 5 ang Stanford University, Massachuse­tts Institute of Technology at California Institute of Technology sa US.

Ang THE ay isang publicatio­n na nakatuon sa higher education at siya ring leading data provider sa mga unibersida­d.

Nagsimula itong maglathala ng annual university ranking list noong 2004.

Nira-rank ng World University Rankings ang top 1,000 universiti­es sa buong mundo gamit ang 13 performanc­e indicators na hinati sa limang kategorya: teaching, research, citations, industry income and internatio­nal outlook.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines