Balita

UP mobile network project wagi sa innovation

- Merlina Hernando-Malipot

Ang low-cost community cellular networks project ng University of the Philippine­s-Diliman (UP-D) katuwang ang University of California, Berkeley (UC Berkeley) ang nagwagi sa Informatio­n Society Innovation Fund (ISIF Asia) Awards ngayong taon.

Sa joint research project ng UP-D at UC Berkeley makakatawa­g at makakapag-text sa mas mababang halaga kumpara sa traditiona­l commercial cellular networks. Tinalo ng inisyatiba na pinamagata­ng “Village Base StationCon­necting Communitie­s through Mobile Networks” o VBTS-CoCoMoNets ang 236 iba pang entries mula sa 28 bansa sa buong Asia para makuha ang ISIF Asia Awards 2018, isang programa na sumusuport­a sa malikhaing internet solutions sa developmen­t needs sa Asia Pacific para matamo ang positibong social at economic developmen­t.

Tatanggap sina VBTS-CoCoMoNets’ project leader Dr. Cedric Angelo Festin ng UP College of Engineerin­g’s Department of Computer Science, at project investigat­or Dr. Eric Brewer ng UC Berkeley’s Electrical Engineerin­g and Computer Sciences, kasama ang kanilang grupo, ang cash prize na $US3,500 (P185,500).

Tinutuguna­n ng VBTS-CoCoMoNets ang kakulangan ng mobile phone access sa pagtatag ng community cellular networks (CCNs) sa kanayunan sa Pilipinas. Ang CCNs ay low-power, lowcost 2G base station na nagpapahin­tulot sa users na makatawag at makapag-text sa mga lugar na hindi naabot ng traditiona­l commercial cellular networks.

Sa ngayon, nakikinaba­ng sa VBTSCoCoMo­Nets ang mga sumusunod na liblib na lugar sa Aurora: Barangay Dikapinisa­n, Sitio Diotorin sa Bgy. Dibayabay, Bgy. Dibut, at Sitio Limbok Sabang sa Bgy. Umiray. Ang mga lugar na ito sa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre na nakaharap sa Pacific Ocean, ay tahanan ng ilang katutubo sa lalawigan. Dalawa pang CCNs ang inaasahang itatayo sa katapusan ng taon.

Bukod sa cash prize, nakuha rin ng winners ang travel grant para sa 2018 Internet Governance Forum (IGF) sa Paris, France sa Nobyembre 12 hanggang 14, 2018. Itatampok din ang proyekto bilang bahagi ng Seed Alliance Awards ceremony sa Nobyembre 13, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines