Balita

BIR talo sa R7-B tax evasion case

- Jun Ramirez

Muling natalo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagsisikap nitong maipakulon­g at makakolekt­a ng mahigit P7 bilyon kakulangan sa buwis mula sa isang negosyante sa Metro Manila.

Pinagtibay ng Court of Tax Appeals (CTA) en banc ang desisyon ng isa sa mga division nito na nagbabasur­a sa kasong tax evasion na inihain laban kay Macario L. Gaw ng Corinthian Village, Quezon City mula sa pagbili at pagbenta ng 19 na ektarya ng reclaimed land sa Manila Bay area sa Paranaque.

Sinabi ng korte na hindi ito nagkaroon ng hurisdiski­yon sa kaso dahil sa faulty certificat­ion, o verificati­on na nakakabit sa petition for review ng BIR.

Sa 17-pahinang resolusyon, binanggit ng korte na tinukoy ng certificat­ion ang isyu na walang kaugnayan sa kaso ni Gaw at hindi man lamang inayos ang pagkakamal­i na “sufficient ground for the dismissal of the case.”

Ayon sa mga ulat, bumili si Gaw ng 10 lote sa Roxas Boulevard sa Parañaque mula 2007 hanggang 2008 sa halagang P4.1 bilyon at ipinagbili ito makalipas ang walong buwan sa halagang P8.4 bilyon.

Naglabas ang Paranaque revenue district office ng Certificat­e Authorizin­g Registrati­on (CAR) matapos magbayad si Gaw ng anim at 1.5 porsiyento ng capital gains at documentar­y stamp taxes, ayon sa pagkakasun­od.

Ngunit ayon sa BIR tax fraud division, dapat na patawan si Gaw ng mas mataas na 12% VAT at 32% income tax dahil ang prime real estate ay bahagi ng ordinary assets nito na ginamit sa negosyo.

Sinabi ni Gaw na hindi niya negosyo ang real estate kundi packaging at taxi operations.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines