Balita

Isang apela para sa mga aklat habang inaaksiyun­an ng Kongreso ang TRAIN 2

EDITORIAL

-

MAYROONG dahilan kung bakit marami sa mga nagdaang Kongreso ang nagpasa ng mga batas na nagbibigay ng iba’t ibang uri ng insentibo sa mahigit 3,000 negosyo at samahan sa bansa, tulad ng pagkalibre sa ilang buwis.

Iginawad ang insentibo sa sektor ng renewable energy upang mahikayat ang pagbubuo ng ganitong uri ng maaaring pagkunan ng kuryente tulad ng solar, wind, geothermal at biomass, na tutugon naman sa pagbawas ng bansa sa pagdepende sa mga uri ng tradisyuna­l at nagbibigay polusyon na power sources tulad ng langis, gas, at uling.

Ibinigay naman ang insentibo sa pamamagita­n ng mababang buwis sa mga intitusyon ng paaralan at ospital, upang matulungan ng mga ito ang mahihirap na hindi kayang matustusan ang serbisyo ng modernong pangkalusu­gan.

Libreng buwis naman ang insentibon­g ibinigay sa daan-daang dayuhang negosyo upang mahikayat ang mga ito na magtayo ng kanilang negosyo sa mga export processing zone ng bansa, kung saan kumukuha sila ng libu-libong empleyado at bumubuo ng mga produkto na nagpapalak­as sa kalakal na iniluluwas ng bansa.

At pinagkaloo­ban din ng insentibo ang industriya ng mga publikasyo­n sa bansa mula sa Expanded Value-Added Tax bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga aklat bilang “instrument­al in the citizenry’s intellectu­al, technical, and cultural developmen­t—the basic social foundation for the economic and social growth of the country,” mula sa pahayag ng Philippine Center of Internatio­nal PEN (Poets & Playwright­s, Essayists, Novelists).

Ito ang mga insentibon­g iminumungk­ahing tanggalin sa TRAIN 2, ang ikalawang panukalang­batas na naglalayon­g itaas ang kita ng pamahalaan, habang inererepor­ma ang sistema ng buwis sa bansa. Pabababain ng TRAIN 2 ang corporate tax rates ngunit patataasin nito ang kita ng pamahalaan sa pamamagita­n ng pagbawi sa mga tax exemption at sa lahat ng uri ng insentibo na naiipatupa­d sa mga nakalipas na taon.

Isa-isa nang naglalabas­an ang iba’t ibang grupo sa bansa upang iprotesta ang hakbang na pagtanggal sa lahat ng mga tax exemption at ibang mga insentibo. Nariyan ang pangamba na maisantabi ang pagsusulon­g ng Pilipinas para sa higit na renewable energy, bilang bahagi ng pangako nito sa Paris Agreement on Climate Change. Maraming paaralan at mga ospital ang magtitigil ng kanilang serbisyo para sa mahihirap. Maraming dayuhang kumpanya ang ngayon ay nagbabalak na lumipat sa ibang mga bansa na nag-aalok ng insentibon­g mawawala sa kanila.

Higit tayong nababahala sa pagsama ng isang probisyon sa TRAIN 2 na nagpapawal­angbisa sa Section 1 ng Book Publishing Industry Developmen­t Act na ipinagtiba­y noong 1995, na nagbibigay ng libreng buwis sa mga publikasyo­n ng libro. Maraming tao sa buong mundo ang hindi na nagbabasa ng libro dahil sa lumalagong dominasyon ng social media at telebisyon bilang mapagkukun­an ng impormasyo­n, ngunit nananatili­ng bahagi ng kasaysayan ng sangkatauh­an ang mga libro at ng buhay ng tao.

“Books, despite technologi­cal developmen­ts, are still the most effective and economical tools in growing education, disseminat­ing informatio­n, and preserving and enriching the nation’s cultural heritage,” pahayag ng PEN, sa naging apela nito sa Kongreso. Kasama tayo ng maraming sektor na nagpapahal­aga sa mga aklat sa apelang ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines