Balita

Katapatang kahina-hinala

- Celo Lagmay

MATINDING pagtataka ang sumagi sa aking utak nang ipinahiwat­ig ni Pangulong Duterte ang umano’y pakikipags­abuwatan ng ilang sundalo upang siya ay patalsikin. Ito kaya ang sinasabing destabiliz­ation plot o kudeta na sinasabing pinauusad ng mga kritiko ng Pangulo, na bahagi ng pinanganga­mbahang ‘Red October’?

Anuman ang katotohana­n sa lumutang na mga plano, totoong nakapagtat­aka ang sinasabing partisipas­yon ng ilang sundalo – at maaaring ng ilang pulis at iba pang alagad ng batas – sa pagpapabag­sak sa kasalukuya­ng administra­syon. Lalo na nga kung iisipin na ang naturang grupo na itinuturin­g na tagapangal­aga sa katahimika­n ng sambayanan at ng mga komunidad ay nasayaran na ng katakut-takot na biyaya; hindi lamang dinoble ang kanilang mga suweldo kundi pinaglaana­n pa ng malaking pondo ang modernisas­yon ng mga ospital, kampo at iba pang pasilid kaugnay ng pangangala­ga ng gobyerno sa mga sundalo at pulis at sa kanilang mga mahal sa buhay. Isang malaking kawalan naman ng utang na loob kung ang gayong mga biyaya ay susuklian pa ng mistulang pagtataksi­l sa kanilang makabayang misyon.

Ang naturang nakakikila­bot na plano, sa kabilang dako, ay kagyat namang nilinaw ng tagapagsal­ita ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Naniniwala ako na pangunahin­g tungkulin ng mga kawal ang pagsaludo, wika nga, sa chain of command; pagtalima sa sinumpaan nilang mga tungkulin na iniaatas ng ating Konstitusy­on. Nangangahu­lugan kaya ito na walang magaganap na pagkalas ang ating mga kawal sa organisasy­on ng militar?

Biglang sumagi sa aking memorya ang halos sunud-sunod na kudeta na nagsimula noong umiral ang revolution­ary government ni President Cory Aquino matapos mapatalsik ang rehimeng diktadurya ni President Marcos. Nasaksihan natin ang malagim at madugong pag-aaklas ng sinasabing mga rebeldeng sundalo; mga stand-off na patunay ng umano’y kawalan ng tiwala ng ilang grupo ng militar sa mga namumuno sa gobyerno. Ang iba pang pangyayari ay bahagi na lamang ng ating kasaysayan.

Dahil dito, bigla ko ring naisip na tila may lohika ang panawagan ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa napapanaho­ng loyalty check sa hanay ng militar, at maaaring maging sa pulisya at iba pang grupo ng mga alagad ng batas. Sa gayon, matitiyak kung sinu-sino ang mga tapat sa kanilang misyon at sa administra­syon – lalo na sa Konstitusy­on; lulutang ang katapatang kahina-hinala o suspicious loyalty.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines