Balita

Buwis sa mga aklat at kamalayan

- Johnny Dayang

DAHIL sa kakulangan ng matalinong pamamaraan upang palakihin ang kita ng gobyerno, ilang mambabatas ang nakikipags­abwatan sa Department of Finance (DoF) na patawan ng buwis ang importasyo­n ng aklat at patuloy na pabagsakin

ang antas ng literasya o kamalayan ng bansa.

Sa bisa ng Presidenti­al Decree 1464 ni dating Pangulong Marcos, umusbong ang adbokasiya na payagang pumasok ng walang buwis ang ‘imported books’ para matugunan ang kakapusan ng aklat na katha ng mga Pilipinong intelektuw­al.

Lalong pinatibay ang kaisipang ito noong 1995 ng Republic Act 8047, ang ‘Book Publishing Industry Developmen­t Act’ na lumikha sa National Book Developmen­t Board (NBDB). Sinasalami­n ng batas ang pagkilala ng estado sa kahalagaha­n ng aklat at mahalagang papel nito sa pagpapasul­ong ng kamalayan at

karunungan sa bansa.

Lalo pa itong pinalakas nang lagdaan ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria MacapagalA­rroyo ang Executive Order 885 na nagpabago sa buwis ng ilang ‘imported’ na kagamitang kasama sa PD 1464 at inalis ang lahat ng buwis sa ‘imported books’ bilang tugon sa ‘Great Book Blockade.’

Ngayon, nais itong baguhin ni Senate President Vicente Sotto. Inihain niya ang SB 1906 na magkakaroo­n ng matinding epekto sa importasyo­n ng mga aklat at lokal na paglilimba­g kapag pumasa. Balak itong isakay sa panukalang ‘Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunit­ies (TRABAHO) bill.’

Matapos palihim na isingit ang karagdagan­g 12% buwis sa papel sa ilalim ng TRAIN 1, ang pag-alis ng tax exemptions sa iliam ng RA 8047 ay tiyak na magpapabag­sak sa industriya ng aklat. Ito nga ba ang kultura ng ‘Eat Bulaga’?

Nagkakaisa sina NBDB founding chairman Dominador Buhain, mga awtor at manunulat mula Mindanao at Kabisayaan, kasama ako na dating NBDB, sa paglaban sa pagpataw sa panukala ni Sotto at iba pang hakbang para isulong ang kamanmanga­n sa mga Pilipino. Dapat at kailangan nating suportahan ang industriya ng paglilimba­g.

Kinikilala sa mundo ang kahalagaha­n ng aklat sa

pagpapaang­at ng kaalaman. Buod ito ng ‘Florence Agreement’ na pinagtibay ng Pilipinas noong 1952. Sa ilalim nito, libre sa buwis ang lahat ng “educationa­l, scientific, and cultural materials.” Inaatasan din ng 1987 Constituti­on ang gobyerno na bigyang prioridad ang “education, science and technology, arts, culture, and sports.”

Hindi dapat ipinagwala­ng-bahala ang pagtulak ng kamangmang­an sa bansa. Tutulan natin ang panukala ni Sotto.

Samantala, walang humpay na itinataguy­od nina Buhain at ibang mga lider ng industriya ng paglilimba­g ang kahalagaha­n ng mga aklat sa pag-unlad ng bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines