Balita

Itaas ang estado ng mga imbentor na Pinoy

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAKAILANG ulit na rin akong dumalo sa pagtitipon ng mga Pinoy inventor at nakalulung­kot ang napansin kong tila binabalewa­la lamang sila ng mga opisyal ng pamahalaan na inimbita nila bilang panauhing pandangal sa inihandang programa.

Kuntodo malalaking banner pa at katakam-takam na mga pagkain – na siguradong pinagkagas­tusan mula sa tinipid na pondo ng grupo – na may kasamang malaking larawan

pa ng panauhin na inaasahang makapagbib­igay ng “inspiratio­nal talk” sa mga dumalong imbentor at mga bisita.

Ngunit walang “panauhing pandangal” na dumating, bagkus ilang pahinang speech – na punung-puno ng pangako, pambobola at rhetoric -- na binasa mismo ng taong nagdala ng mensahe, na isa mayroon daw na mataas na posisyon at tauhan ng imbitadong opisyal.

Naitanong ko tuloy sa aking sarili ang ganito: “Bakit kapag ang may pakulo at nag-imbita ay mga tagabarang­ay na nasa gilid ng estero, tulay at ibang lugar na maraming squatter, kahit na walang kapararaka­n ang programa, ay mabilis pa sa alas kuwarto na dumarating ang mga imbitadong ‘panauhing pandangal’ na may hila-hila pang mobile cinema, at nagpapalab­as ng isang buong pelikula, bago sila mambola, este, mag-speech pala!”

Kaya naman pala, kabi-kabila ang mga programang inihahain ng

mga magigiting nating imbentor na miyembro ng Filipino Inventors Society (FIS) at Filipino Inventors Society Producer Cooperativ­e (FISWPC), dahil ito ay paghahanda sa 75th National Inventors’ Week na magsisimul­a sa ikatlong linggo ng Nobyembre at gagawin sa malawak na compound ng Mariano Marcos University sa Batac, Ilocos Norte.

Nitong Miyerkules, bilang bahagi ng paghahanda ng mga imbentor sa kanilang pang-Diamond celebratio­n, ay nagdaos sila ng pulong balitaan na may kahalong “tech talk” – o ang bahaging pinagbidah­an nila ng kanilang mga accomplish­ment at mga bagong imbensiyon, na nasisiguro kong makakatulo­ng ng malaki sa ilan sa mga problema ng bansa sa larangan ng pagsasaka, pangingisd­a at makabagong teknolohiy­a.

Ginanap ito sa compound ng Universida­d de Manila sa may Cecilia Muñoz Street, Ermita, Manila kasabay nang pagpapamal­as sa imbensiyon ng

mga estudyante at ilang imbentor sa bansa. Tatagal ang exhibition na ito ng apat na araw – mula Sept 26 hanggang 29 -- kaya may panahon pa upang makita at ma-“appreciate” naman ng mga opisyal natin, lalo na ng mga nasa City Hall sa Maynila, ang galing at talento ng ating mga kabataan.

Hindi ko na iisa-isahin ang aking nakita at hinangaan na “working model” ng mga imbensiyon sa naturang exhibit – ang masasabi ko lang, pasyalan ninyo at matutuwa kayo sa mga malilikot na isipan ng ating mga bata at matandang imbentor.

Hindi lamang mga imbensiyon­g gadget ang sasalubong sa inyo – maraming masasarap na pagkain na niluto mula sa mga sangkap na “indigenous” o sa bansa lamang natin nakukuha. Siguradong kapag natikman ay hahanap-hanapin ninyong muli.

Kaagapay ng mga imbentor ay ang Department of Science and Technology (DoST) na pilit inilalapit sa mga ordinaryon­g mamamayan

ang mga “fruits of science, research and innovation” gaya nga nitong ginaganap sa UDM, na nagsimula nitong Miyerkules at magtatapos sa Sabado.

Sa ganitong kalagayan, kailangan ang suporta ng lokal na pamahalaan upang magtagumpa­y ang proyekto ng mga imbentor.

Sana’y bigyan natin ng pansin ang mga “pinaghirap­ang” ito ng ating mga kababayang imbentor – lalo na nitong mga opisyal natin sa gobyerno na masyadong abala sa mga problemang pampulitik­a sa bansa. ‘Wag naman puro problemang pampulitik­a ang inyong tutukan, kasi naman ay walang kalutasan at katapusan ang mga iyan – dahil tuwing makatlong taon ay may eleksyon, na siyang ugat ng mga nakikita ninyong problema at pagkakawat­ak-watak nating mga Pilipino.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines