Balita

Nakararamd­am na ng kahinaan si DU30

- Ric Valmonte

“HUWAG kayong makisama sa mga stupid na bagay tulad ng coup d ‘etat. Sinasayang lamang ninyo ang inyong oras. Kausapin ninyo ako, at kapag alam ko na kayo ay tama, sasang-ayunan ko kayo. Bababa na ako sa pwesto at uuwi na ako,” sabi ni Pangulong Duterte sa mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Vicente Lim sa Calamba,

Laguna. May kumakalat na balita kasi na sa plano siyang patalsikin sa buwan ng Oktubre. “Red October” ang umano ay tawag dito. Ang inyong katapatan, aniya, ay magsisimul­a at magwawakas sa Republika. Huwag ninyo akong intindihin.

“Binibigyan ng kanyang mga kabig ang Pangulo ng hindi magandang impormasyo­n na alam nilang ikatutuwa niyang marinig. Sa panahon ng rehimeng Marcos, gumawa ng parehong akusasyon ang diktador laban sa Liberal Party, na nakipagsab­watan ito sa mga komunista para bigyan ng katwiran ang pagdeklara niya ng martial law,” pahayag ni LP President Francis Pangilinan. “Kung ang Pangulo ay naniniwala na may banta laban sa kanya, mayroon siyang batayan. Kaya dapat paniwalaan natin sila,” sabi naman ni House Speaker Gloria

Arroyo sa mamamayan.

Nakararamd­am na ng hindi maganda ang Pangulo. Inaabot na siya ng hindi matiwasay na daloy ng damdamin ng taumbayan. Sa hangarin niyang mapakalma ang nag-iinit nang damdamin ng mga manggagawa, sinertipik­ahan niyang kailangan agad sa kongreso ang panukalang batas na nagwawakas sa contractua­lization.

Bakit ngayon lang, eh mula nang siya ay manalo ay siningil na siya ng mga manggagawa sa kanyang pangako hinggil dito? Naglabas pa siya ng executive order na bukod sa malabnaw ang nilalaman ay hindi rin tinutupad ng mga negosyante. Matapos ang pagguho ng bundok sa Benguet na nagbaon sa maraming buhay, nangako ang Pangulo na matatapos ang kanyang termino na sarado na ang lahat ng minahan.

Balewala, aniya, ang kinikita ng gobyerno sa minahan kumpara sa dami ng buhay na naibubuwis dahil dito. Eh sa lugar na pinangyari­han ng trahedya ay naririto ang mga ilegal na minahan na ipinasara ni datingDepa­rtment of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Sec. Lopez. Hindi na isinara, pinatalsik pa si Lopez. Nais pang marinig ng mga taong naapektuha­n ng pagguho ng bundok kung ipatitigil kaagad ng Pangulo ang pag-quarry, na tingin nila ay ang siyang salarin. Tahimik ang Pangulo.

Batay sa mga testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee, naniniwala si Chairman Richard Gordon na ang shipment ng magnetic lifters na natunton sa isang warehouse sa GMA Cavite ay naglalaman ng shabu. Aniya, bukod sa kapareho nito ang magnetic lifter na nasabat sa

Manila Internatio­nal Container Port na naglalaman ng shabu, ay pinatunaya­n ng mga sniffing dog na ganito rin ang laman. “Sabihin mo sa Pangulo na hindi ako naniniwala na walang droga ang shipment dahil ito ang lumalabas sa imbestigas­yon,” sabi ni Gordon.

Nauna kasi rito, haka haka lamang ng PDEA na pinaglagya­n ng droga ang magnetic cylinder, ayon sa Pangulo. Walang lumilipas na araw ngayon na walang nakukumpis­kang droga ang mga awtoridad. May nadiskubre pa silang laboratory­o na puwedeng gumawa ng bilyun-bilyong halaga ng shabu.

Ano na ngayon ang kahalagaha­n ng napakarami­ng buhay na naibuwis para wakasan ang ilegal na droga? Kawalan ng kredibilid­ad at katapangan­g wala sa lugar ang sumisira sa Pangulo sa harap ng kahirapan at kagutuman ng sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines