Balita

Kapamilya ng aktres na binugbog ng aktor, humingi ng payo sa abogado?

- Reggee Bonoan

SANA ay hindi matuloy sa asunto ang pinaplano ng pamilya ng aktres na sampahan ng reklamo ang aktor na nanakit sa kanya, dahil hanggang ngayon ay may mga pasa pa ring nakikita sa katawan nito.

Aksidenten­g narinig ng aming espiya na may kausap na abogado ang kapamilya ng aktres at ikinukuwen­to nito ang nangyari sa aktres na kakagawan umano ng aktor.

“Ayaw iparinig na may kausap na abogado, pero narinig ko tinawag na ‘atty’ ‘yung kausap tapos ikinuwento na may mga pasa si (aktres) kasi binugbog daw ni (aktor). Humihingi ng advise kung ano ang dapat gawin at kung puwedeng sampahan ng reklamo. Narining kong term physical injury. Lumayo na ako kasi baka isipin nakikinig ako,” kuwento ng aming source.

Kung sakaling matuloy ay magiging mahaba ang proseso nito at baka magkaroon ng settlement, pero kung itutuloy pa rin ang kaso, ang magiging parusa para sa slight physical injury ay 30 araw na pagkakakul­ong at multang P200. Pero kung serious physical injury naman ang isasampa laban sa aktor, ay itong makukulong ito ng hanggang anim na buwan.

Sa nakikita namin ay mukhang hindi naman siguro aabot sa demandahan, pero baka magkaroon sila ng legal agreement para hindi na maulit ang pananakit.

Ang tanong, willing ba ang aktres na sampahan ng kaso ang aktor? Paano na ang mga project nila?

Samantala, nag-message kami sa kapamilya ng aktres tungkol sa isyung ito at habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines