Balita

Gabbi, nanigas sa set

- Ni NORA V. CALDERON

TAWA nang tawa ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia nang tanungin kung totoo ang chika na nanigas siya sa first taping day ng bagong primetime dramedy nilang Pamilya Roces ng GMA Network, na idinidirek ni Joel Lamangan.

“Opo, first time nangyari iyon sa akin,” sagot ni Gabbi. “Siguro po, inunahan ako ng takot nang malaman kong si Direk Joel ang magha-handle sa amin, nagtanong-tanong na ako sa mga kakilala ko. First time ko kasi siyang magiging director at nababalita­an ko nang very strict siya pagdating sa trabaho.

“Sabi nila, hindi raw dapat mali-late sa set, iyon ang hate na hate niya, dapat memorize mo na rin ang lines mo at ready ka na ‘pag simula na ng eksena. Ready naman po ako nang dumating sa set, pero naunahan nga po ako ng takot na baka magkamali ako. But thank God, wala namang nangyari sa kinatataku­tan ko, pagtawag sa akin ni Direk Joel at pagbigay ng instructio­ns, ready na ako. Maayos naman akong nakaraos that first taping day, at sa mga sumunod na araw, okey na ako. Lagi po lamang kaming naghihinta­y sa tent kapag kailangan na kami, at nakakatuwa, dahil ang dami namin sa cast, may time kaming magpahinga kung hindi pa kami ang kukunan sa eksena.”

Nakita naming maayos ang pagti-taping ng cast dahil mayaman ang character ng head ng Pamilya Roces na si Rodolfo Roces played by Roi Vinson, gamit nilang location ang King’s Royale Promenade Hotel & Resort sa Bacolor, Pampanga, kaya air-conditione­d ang set nila.

Sa story, si Gabbi ay si Jade Roces, ang outspoken at palaban na anak ni Rodolfo Roces, marami siyang hugot sa buhay.

Kumusta naman ang mga bago niyang katrabahon­g Kapuso stars?

“No problem naman po sa akin, I’m willing to work naman with anyone. Si Manolo (Pedrosa) una kong na-meet noong look test namin for the serye, he’s very approachab­le. Si Sophie Albert, akala namin ay tahimik lamang pero nang umaacting na siya, nagulat kami kasi iba ang character niya, matatawa kayo sa kanya. Si Jasmine Curtis Smith, super okey. Magkasama kami sa standby area at pareho ang circle of friends namin outside GMA. Maganda nga po kasi in my three to four years ko sa GMA, madalas ay si Ruru (Madrid) lamang ang katrabaho ko, ang leading man ko. Ngayon nagkaroon na ako ng chance na makatrabah­o sina Kiko Estrda, Juancho Trivino at ngayon si Manolo.”

Paano ang GabRu fans nila ni Ruru na naghihinta­y pa rin ng muli nilang pagtatamba­l?

“I guess naiintindi­han po naman nila what’s happening now, na dapat kaming mag-work with other stars naman, mag-explore at palagay ko naman, susuportah­an pa rin nila kami ni Ruru kahit hindi kami magkasama sa isang project. At nagpapasal­amat po ako sa kanilang lahat.”

Ang Pamilya Roces ay mapapanood na simula Oktubre 8, papalitan nila ang romcom na Inday Will Always Love You nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio at Ruru Madrid.

 ??  ?? Gabbi
Gabbi
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines