Balita

Pauline Mendoza, nakipag-date kay Jeric Gonzales?

- Ni MERCY LEJARDE

ANG sinasabing most promising star ng Kapuso Network na si Pauline Mendoza ay nagpapaka-active na ulit sa vlogging.

Ilang buwan rin siyang nagpahinga sa paggawa ng vlog pero binuhay niya ulit itokamakai­lan nang mag-upload siya ng video habang nanonood ng concert ni Niall Horan, ang dating miyembro ng boy band na One Direction.

Sa maiksing video na ito, nakita ng fans na kasama niya ang

Ika-5 Utos star na si Jeric Gonzales at iba pang mga kaibigan nila.

Nahahanay na rin si Pauline sa mga Kapuso stars na nahihilig sa ganitong paandar online, ha!

Samantala, mapapanood si Pauline sa

Stories For The Soul ngayong Sabado, kung saan ikukwento niya ang buhay ng pamilyang naipit sa engkwentro ng mga pulis at mga drug pushers.

Sa episode na may title na ‘Tenement,’ sundan kung paano mananaig ang pagmamahal ng pamilya lalo na sa oras ng kagipitan at panganib. Tutok lang sa Stories for the Soul ngayong Sabado, pagkatapos ng Dear Uge sa GMA.

Bata pa lang daw si Pauline ay panay na ang ratsada niya sa mga TV commercial­s. At nito ngang dalagita na siya ay wala siyang tigil sa kasasali sa mga auditions, hanggang sa makuha siya ng GMA Artist Center bilang contract star.

Marami na rin siyang nagawang projects sa Kapuso Network pero ang mas tumatak na Pauline Mendoza sa mga televiewer­s ay ang role nito sa Kambal Karibal, kung saan naging kakambal niya si Bianca Umali.

As of this writing, hoping si Pauline na mapabilang sa mga nominado sa darating na PMPC Star Awards For TV bilang isa sa Best Supporting Actress via Kambal Karibal.

“If God’s willing and if it is meant to be,” ang nakangitin­g pahayag sa amin ni Pauline habang nag-cheers naman ang kasama niyang fans na tinatawag niyang Team Pauline Mendoza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines