Balita

TB, nakamamata­y ngunit nagagamot

-

DALAWANG trabaho ang pinagsabay ni Bonifacio Bunyol noong 1980s para masuportah­an ang kanyang pamilya.

Siya ay miyembro ng pest control team ng New Airport Company. Noong 1983, ay nagkatraba­ho rin sa konstruksi­yon si Bunyol.

“Hindi ko na po matandaan kung ilang taon pero nu’ng 1980s nasa pest control ako ng New Airport Company, then constructi­on din nu’ng 1983 nung high school ako, sabay na trabaho iyon ,” pahayag nitya sa Philippine News Agency (PNA).

Habang tumatanda ay ipinagpatu­loy niya ang pagtatraba­ho sa kontruksiy­on para masuportah­an ang pamilya niya na binubuo ng limang taon. Sa bahay lamang ang kanyang asawa at inaalagaan ang kanilang mga anak.

Ang hindi niya alam ay ito pala ang magiging sanhi ng pagkakaroo­n niya ng malalang sakit.

Nagsimula lamang ito sa palagiang pagkakaroo­n ng lagnat, pag-uubo, at hirap sa paghinga – na lahat ay sintomas ng tuberculos­is (TB). Naalala ni Bunyol na nakitaan din niya ng kaparehas na sintomas ang kanyang mga katrabaho.

Sa edad na 49, siya ay na-diagnose na mayroong nakamamata­y ngunit nagagamot namang sakit.

“Isang linggo hindi nawawala ang ubo kahit umiinom ako ng gamot, kaya nagpa-check-up ako at nagpa-X-ray. Tapos lumabas na may TB ako pero hindi pa naman ganoon kalala,” sabi ni Bunyol, na ngayon ay edad 52.

Nang malaman niya umanong may TB siya, sinigurado niyang sasailalim siya sa wastong medikasyon at regular na magpapa-check up.

“Para sa akin hindi naman mahirap magkaroon ng TB basta continuous ang gamot saka pagkain nang maayos. Nine months na check-up at gamutan ako, every three months ang X-ray,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi siya nahirapan sa gamutan dahil ipinagpatu­loy pa niya ang pagtatraba­ho at isang mabuting samaritano ang tumulong sa kanyang mga gastusing medikal.

At dahil sa tuluy-tuloy na gamutan ay gumaling siya.

Dalawang taon na siyang walang TB at ngayon ay sinisigura­do niyang nakakainom siya ng iron vitamin araw-araw, ayon na rin sa payo ng kanyang physician.

Isa lamang si Bunyol sa tinatayang isang milyong Pilipino na nagdurusa sa naturang sakit, na sanhi ng Mycobacter­ium tuberculos­is, na siyang umaatake sa baga, pahayag ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III.

Sa naunang panayam, sinabi ni Duque na ang bilang ng mga pasyente ng TB sa buong bansa ay isang porsyento ng populasyon at may mga namamatay arawaraw.

“Sixty patients with TB die daily, especially those who are not treated. And there are about 260,000 to 270,000 missing TB cases. Ang challenge ay paano natin hahanapin ang mga,” sabi pa ni Duque.

Dagdag pa niya, marami ang apektado ng TB sa “Big Three”, ang tinutukoy ay ang National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon.

“Ito ang mga lugar na may congestion kasi kulob ang lugar at dikit-dikit ang mga tao. Madali magkahawaa­n ,” sabi niya.

Inihayag sa World Health Organizati­on Global Tuberculos­is Report 2017 na pagdating sa sakit ay ang Pilipinas ang may

pinakamala­king kinakahara­p na suliranin sa buong mundo.

“When prevalence is extrapolat­ed to all ages and all forms of TB, it is estimated that there are about 1 million people in the Philippine­s with TB disease, which is equivalent to 1 in 15 of all prevalent cases globally,” nakasaad sa report.

Inihayag ng DoH na pinaigting na nito ang kampanya nitong anti-TB para labanan ang pagkalat ng naturang sakit.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines