Balita

Inmate NN7687 Bill Cosby, sa single cell ikinulong

-

MAG-ISA lamang si Bill Cosby sa kanyang unang gabi sa kulungan, dahil sa isang seldang pang-isahan siya ikinulong na malapit sa infirmary. Ito ang unang araw ng kanyang tatlo hanggang 10 taong bubunuin sa loob ng bilangguan makaraang mapatunaya­ng guilty sa kasong sexual assault.

Inanunsiyo ng mga opisyal na bilangguan nitong Miyerkules na bubunuin ni Bill — ngayon ay kilala bilang si Inmate No. NN7687 — ang kanyang parusa sa SCI Phoenix, isang bagong state prison na 20 milya ang layo mula sa gated estate, na pinangyari­han ng pangmomole­stiya niya sa isang babae noong 2004. Nagbukas ang $400 million lockup dalawang buwan na ang nakaraan at kaya nitong makaokupa ng 3,830 preso.

Puwede namang magpakonsu­lta si Bill sa mga medical staff, psychologi­st at iba pang staff ng kulungan sakaling kailangani­n siya. Sa ilalim ng polisiya ng bilangguan, papayagan ang 81 taong gulang na komedyante na tumanggap ng tawag sa telepono at bisitahin ng mga kaanak, gayundin, papayagan siyang makapagehe­rsisyo kung nais niya.

Ang long-term goal ng kulungan ay ang isama si Bill sa karamihan, lahad ng mga opisyal.

“We are taking all of the necessary precaution­s to ensure Mr. Cosby’s safety and general welfare in our institutio­n,” lahad ni Correction­s Secretary

John Wetzel sa isang pahayag.

Kasabay ng pag-aadjust ni Bill sa bagong buhay sa likod rehas, ay nangako naman ang kanyang pamilya at mga publicist na ipagpapatu­loy ang pakikipagl­aban hinggil sa tatlong bilang felony sexual assault.

Tinawag si Bill bilang “one of the greatest civil rights leaders in the United States for over the past 50 years,” inihayag ni Andrew Wyatt nitong Martes na ang naturang trial ang “most sexist and racist” sa kasaysayan ng bansa.

 ??  ?? Bill
Bill

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines