Balita

Frank Parker, pumanaw

-

NAGDADALAM­HATI ang soap opera community sa pagpanaw ng aktor na si Frank Parker.

Binawian ng buhay si Frank – na kilala para sa kanyang pagganap sa karakter ni Grandpa Shawn Brady sa Days of Our

Lives —sa Vacaville, California noong Setyembre Seyembre 16, dahil sa Parkinson’s disease at dementia, ayon sa kanyang obituary sa The Reporter. Siya ay 79 taong gulang.

Ayon sa PEOPLE, Tumagal ang acting career ni Frank ng limang dekada.

Una siyang pumasok sa industriya noong 60’s at 70’s, at lumabas sa mga pelikula at show sa telebisyon – kabilang ang mga soap opera na General Hospital at The Young and

the Restless — bago niya nakuha ang role ni Shawn Brady sa Days noong 1983.

Nanatili ang aktor sa daytime drama sa loob ng 25 taon. Nagretiro siya sa pag-aret noong 2008 makaraang mamatay ng kanyang karakter sa nang ibinigay nito ang suot na oxygen mask sa anak para isalba sa isang airplane hijacking.

Noong mga panahong iyon ay naiiulat na nagsisimul­a nang lumamlam ng kalusugan ni Frank, kaya nagdesisyo­n siyang tapusin na ang karera sa showbiz.

Sa kanyang obituwaryo, na inilatahal­a rin sa Legacy.com, inilarawan si Frank bilang “a people person who touched many lives and was loved by everyone.”

“He could light up a room with his singing voice and was known to burst into song at any moment,” lahad ng kanyang pamilya. “He was a ham and loved the spotlight. Above all, he was the most supportive, generous, kind man and father. Frank loved his family.” Inulila ni Frank ang kanyang kambal na anak na sina Danielle Dallas at Lindsay Kyle, na anak nila ng unang asawang si Nola Donelle Rajcok. Ang kanyang panganay na anak na si Candace Donelle, ay pumanaw noong 1998 sa isang car accident. Inulila rin ng aktor ang kanyang pangalawan­g asawang si Mary Jean Dunning Garofalo. Nagpakasal ang dalawa noong 2005 at nanirahan sa Vacaville hanggang sa siya ay bawian ng buhay. Simula nang kumalat ang balita ay maraming fans at kapwa aktor ang nagpaabot ng pakikirama­y sa pamilya ni Frank, kabilang sina James Reynolds at Stephen Nichols,

“Good man Good actor,” post ni Nichols, na gumanap bilang si Patch sa Days, sa loob ng mahigit 16 na taon. “Best TV pop in law So full of Blarney and Joy! Much love on your Journey.”

 ??  ?? Frank
Frank

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines