Balita

Pinoy fighters, nakilala sa mundo ng MMA

-

NAPATANYAG sa mundo ng mixed martial arts ang Pinoy bunsod nang matagumpay na kampanya ng Team Lakay.

Sa kasalukuya­n, lima sa anim na World Champion sa ONE Championsh­ip ay nagmula sa Tem Lakay na nakabase sa La Trinidad, Benguet. Kabilang sa mga kampoen sina Honorio Banario, Eduard Folayang, Geje Eustaquio, Kevin Belingon, at ang pinakabago­ng bida na si Joshua Pacio.

Bunsod nang pamamayagp­ag ng mga tinagurian­g Igorot warriors sa MMA hindi lamang sa banasa kundi sa buong mundo, hindi maikakaila na lumalaki ang bilang ng mga Pinoy fighters na sumusunod sa kanilang mga yapak.

Kabilang sina Rene Catalan, Jomary Torres, Eric Kelly at Jeremy Miado sa hanay ng Filipino martial artists na nagpamalas ng kahusayan at katatagan na hinangaan ng kanilang mga karibal.

Sa nakalipas na ONE: CONQUEST OF HEROES sa Jakarta, Indonesia, dalawang Pinoy ang nagwagi sa katauhan nina Danny Kingad kontra Yuya Wakamatsu sa flyweight showdown, gayundin si Pacio na tinanghal na bagong ONE Straweight champion nang manaig kay Yoshitaka Naito ng Japan.

Sa gaganaping ONE: KINGDOM OF HEROES sa Oktubre 6 sa Bangkok, Thailand, isa pang Pinoy ang inaasahang mgpapamala­s ng katatagan.

Haharapin ni Filipino Kyokushin Karate black belt Ramon “The Bicolano” Gonzales si Indonesian Dodi “The Maung” Mardian sa Bangkok Arena.

Ito ang pagbabalik aksiyon ni Gonzales na pansamanta­lang iniwan ang ONE para isulong ang pribadong gawain.

“I’m really excited to be competing in ONE Championsh­ip again,” pahayag ni Gonzales. “I had to focus on work overseas for a while, but I’m back now and I can’t wait to feel the rush of competitio­n again.”

Tangan ni Gonzales ang 2-2 ang profession­al mixed martial arts record at huling sumabak laban kay Deligherih­u Liu na kanyang ginapi via submission noong September 2017.

Higit sa panalo, sinabi ni Gonzales na iang malaking karangalan ang lumaban para sa bandila ng bansa.

“I can honestly say that nothing compares to carrying the Philippine flag in internatio­nal competitio­n. This is something that will always give me great pride, it is definitely an honor,” aniya.

“I’m happy to see my fellow Filipinos go far in this sport and in ONE Championsh­ip. It gives me the confidence to believe in myself and also aspire for the same level of success. It is definitely inspiring to see them succeed,” aniya.

Bukod kay Gonzales, isa pang Pinoy sa katauhan ni dating IFMA Muay Thai world champion Robin “The Ilonggo” Catalan ang sasabak sa ONE kontra Japanese submission specialist Hayato Suzuki sa preliminar­y ng flyweight contest.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines