Balita

Alitan ng mag-inang Raquel at Jake, lumalala?

- Ni REMY UMEREZ

SA Hollywood kapag naglabas ng autobiogra­phy ang isang celebrity ay asahan ninyong hitik ito sa controvers­ial issues kaya bestseller agad. May mga librong isinulat nang walang permiso ng kinauukula­n na tinatawag na unexpurgat­ed version. Matatapang ang mga writers at handang mademanda.

On the local front ay nakiuso na rin dito ang mga showbiz personalit­ies. Sanitized nga lamang ang libro at walang shocking revelation­s. Exception na lamang si Mark Bautista na mapangahas na umamin ng kanyang tunay na pagkatao, bagamat hindi detalyado. Ngayon naman ay panahon na ni Jake Zyrus (Charice noon) para “mangumpisa­l” sa paglaladla­d ng kanyang sex preference. I Am Jake ang pamagat ng isinulat niyang aklat kung saan tinawag niyang “Evil Queen” at abusive mother ang sariling ina. Dahil dito ay lalong lumala ang gap ng mag-ina na matagal nang hindi nagkikita.

Ang tanong, matiis kaya ng anak ang ina lalo na’t nalalapit na ang Kapaskuhan? Sabi nga ni Dr. Love sa kanyang palatuntun­an sa DZMM, kahit anong sama ng ina ay dapat pa rin itong mahilin dahil siya lamang ang iyong ina.

 ??  ??
 ??  ?? Jake
Jake
 ??  ?? Raquel
Raquel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines