Derrick at Sanya, all out sa intimate scenes

Balita - - Pangunahing pahina - Ni REGGEE BONOAN

Nakuwento sa amin si Direk Connie Macatuno na aliw na aliw daw siya habang pinanonood at idinidirek sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa unang sequence ng sex scene nila sa loob kotse, para sa pelikulang Wild and Free.

“Para akong teacher na itinuturo kung ano ang gagawin nila sa kotse at excited sila, sabi nila kung sa likod kukunan, sabi ko ayaw ko sa likod, kasi kung sa likod, e, di sa kuwarto na lang na may kama tayo. At para ma-challenge kayo, gusto ko sa harapan.

“Sabi ni Derrick, ‘hindi kami magkakasya, ang laki ko!’ Sabi ko, magkakasya ka diyan kasi na-imagine ko na at saka Fortuner naman ito. Bago kasi sinyut ang eksena, ang tagal kong nakatitig sa kotse.

“But I haven’t done it in a car, I am a go getter, pero a public place is not my kind of place, parang ganu’n.

“So hindi ko pa nagawa (love making) sa kotse at nakatitig ako at sinubukan ko, kaya nu’ng sinu-shoot ko na sila, ‘okay game, pasok na kayo diyan tapos pinuwesto ko sila, o nagkasya kayo di ba? Sila rin (Sanya at Derrick), na-shock din na nagkasya sila at kailangan lang pag-isipan sa drivers’ seat. Malaking mama kasi si Derrick kaya hindi pa niya nagawa at sa likod lang niya nagawa, sabi ko nga, napaka-normal nu’n.

“Tapos sabi ko pa, added challenge ito ha, sana hindi ninyo ma-press ang horn kasi that was about 10 0r 11 o’clock ng gabi, tapos nagri-rain effect kami, so mabubulabog ‘yung (kapitbahay). So tuwing mabubusina, nagtatahulan ang mga aso, kaya sabi ko, ‘Sanya malalaman nila ang ginagawa natin. Nakikita mo ‘yung mga bahay na ‘yun, 2nd floor makikita nila kayo kaya quiet ka lang.

“I know it was very hard for them to shoot kasi for about an hour na kinukunan, siguro mga thrice tumunog ‘yung horn,” natatawang kuwento ni direk Connie.

Sobrang ingat daw ang buong team kasi hindi na kinayang takpan pa ni Direk Connie ang 2nd floor ng bahay, hanggang first floor lang.

“Para proteksyon na rin, pinalibutan ko ng takip, ‘yung 2nd floor kasi hindi ko na kayang takpan pa kaya nakikita na.

“Nakikita ko rin when they kiss (Sanya at Derrick), sakto lang ‘to, the challenge for them is how do they do the intimate scenes with love. Kasi it’s so easy to do with libog, but to do with libog and love is ‘yung acting factor nila na titingin ka, tapos ‘yung tingin mo na ‘yun, ‘shit mahal ko to.’ At hindi rin garapal ‘yung paghawak sa suso o nili-lick yung nipples,” pahayag pa ng direktor.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa napapanood ng MTRCB ang Wild and Free kaya wala silang ideya kung anong rating ang ibibigay dito, pero ang target sana ay R-13.

Ano naman kaya ang gradong ibibigay ng Cinema Evaluation Board o CEB.

Anyway, sa Oktubre 10 na mapapanood ang Wild and Free sa lahat ng sinehan sa buong bansa, na kasama rin sina Ashley Ortega at Juancho Trivino, mula sa Regal Entertainment. Para sa updates, follow Regal Entertainment Inc on Facebook, @RegalFilms on Twitter, @RegalFilms50 on IG at Regal Cinema channel on YouTube.

Sanya at Derrick

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.