Balita

Palasyo sa EJK remark ni Duterte: ‘Di siya seryoso

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at BETH CAMIA

Hindi seryoso at iba ang ipinupunto ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niya na ang tangi niyang kasalanan sa bayan ay ang extrajudic­ial killings.

Ito ang depensa ng Palasyo, matapos mistulang direktang inamin ng Pangulo ang papel nito sa EJKs sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang nitong Huwebes, binigyang-diin ni Duterte na wala siyang ninanakaw sa gobyerno at ang tangi niyang kasalanan ay EJKs na iniuugnay sa kanya simula noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

“I will talk to a political exercise now. What are your sins? Ako? Sabi ko nga sa military, ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ako dyan ni piso? Did I prosecute na pinakulong ko? Ang kasalanan ko lang, ‘yung mga extrajudic­ial killings,” aniya.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na sa palagay niya ay hindi seryoso ang Pangulo sa mga binitawan nitong salita, at hindi rin ito ang ibig niyang sabihin.

“Well, alam mo naman si Presidente, ano. Hindi na naman iyan seryoso,” ani Roque kahapon ng umaga. “I don’t think na ang konteksto niyan ay literal.”

“That’s the President po being himself, being playful, being… highlighti­ng the point na hindi siya corrupt,” idinugtong niya.

Para naman kay Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo, tila hindi pa rin naiintindi­han ng ibang tao ang Bisayan humor ni Duterte.

“Ang ibig niyang sabihin, ‘ang isyu lang laban sa akin ay extrajudic­ial killings,’ iyon ang ibig sabihin nun. Alam mo, Bisaya si Presidente,” ani Panelo sa panayam sa radyo kahapon ng umaga.

“Kaya kapag sinabi niyang ang kasalanan ko lang ay extrajudic­ial killing, ibig sabihin, ang isyu lang sa akin bilang Presidente ay extrajudic­ial killing. Iyon ang ibig sabihin noon,” idinugtong niya.

Nagbigay din si Panelo ng tips kung paano lubusang mauunawaan ang mga sinasabi ni Duterte.

“Dapat kasi kapag sasabihin ng Presidente, titingnan mo iyong mga previous statements niya. Kailangan consistent doon sa dati na niyang sinasabi,” aniya.

Gayunman, nagkakasun­do sina Roque at Panelo na nais lamang bigyang-diin ni Duterte na bagamat iniuugnay siya sa EJKs, hindi naman kurakot ang Pangulo.

“It’s also na dinidiin lang niya na talagang hindi siya nagnanakaw,” ani Roque.

Sinabi rin ng tagapagsal­ita ni Duterte na ang mga sinabi ng Pangulo ay hindi pag-amin o mga pahayag na maaaring magpahamak sa kanya.

“In the first place, hindi naman iyan isang sinumpaang salaysay ‘no, so paano sasabihing self-incriminat­ing iyan,” ani Roque.

Dati nang inamin ni Duterte na nangyayari­ng extrajudic­ial killings sa bansa ngunit iginiit na hindi ito itinataguy­od ng gobyerno.

 ??  ?? BEST DEFENSE Bumibisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa exhibits sa third series ng Defense, Security, and Crisis Management Exhibition and Conference ng Asian Defense & Security (ADAS) 2018 nitong Miyerkules.
BEST DEFENSE Bumibisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa exhibits sa third series ng Defense, Security, and Crisis Management Exhibition and Conference ng Asian Defense & Security (ADAS) 2018 nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines