Balita

Canada binawi ang citizenshi­p ni Suu Kyi

-

OTTAWA (AFP) – Nagkaisang bumoto ang Canada parliament para bawiin kay Myanmar leader Aung San Suu Kyi ang honorary Canadian citizenshi­p dahil sa Rohingya crisis.

Iginawad ng Ottawa sa matagal na nakadetine­ng democracy advocate at Nobel laureate ang natatangin­g parangal noong 2007.

Ngunit nabahiram ang kanyang internatio­nal reputation sa pagtanggi niyang punahin ang mga kalupitan ng militar ng kayang bansa laban sa Rohingya Muslims minority, na nitong nakaraang linggo ay idineklara ng Ottawa na genocide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines