Balita

Mag-utol at kaibigan, tiklo sa buy-bust

- Orly L. Barcala

Dinamba ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Navotas Police ang magkapatid at kanilang kaibigan sa buy-bust operation sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Sa isinumiten­g report kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinilala ang mga naaresto na sina Arlene Manlapuz, 47; kapatid niyang si Erick, 22; at kaibigan nilang si Pauline Nepomuceno, 45, pawang residente ng Miguel Street, Barangay NBBN South, Navotas City.

Ayon kay Police Senior Insp. Mark Flores, head ng SDEU ng Navotas Police Station, ikinasa ang buy-bust operation sa Miguel St., dakong 11:45 ng gabi.

Target ng mga pulis ang magutol na Manlapuz na umano’y sumisibol na tulak ng ilegal na droga.

Isang pulis ang nagsilbing poseur-buyer ng shabu at bumili ng halagang P400 kay Arlene.

Matapos na makuha ang marked money, dito na dinamba ang mga suspek.

Nakuha kay Arlene ang tatlong pakete ng umano’y shabu habang narekober kay Erick ang dalawang pakete ng hinihinala­ng ilegal na droga.

Kinasuhan ang magkapatid ng paglabag sa Sec 5 at Sec 11 habang si Pauline ay Sec 11 ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines