Balita

309K ordinance violators sa MM

- Martin A. Sadongdong

Makalipas ang mahigit tatlong buwan, nasa kabuuang 309,434 na indibiduwa­l na umano’y lumabag sa iba’t ibang ordinansa ang inaresto, pinagmulta at winarninga­n sa Metro Manila, ipinahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kahapon.

Simula Hunyo 13 hanggang 5:00 ng madaling araw kahapon, sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na 102,099 individual­s (33 porsiyento) ang inaresto sa paglabag sa smoking ban; 23,276 (7.52%) sa paghuhubad baro sa pampubliko­ng lugar; 22,389 (7.24%) lumabag sa curfew; at 15,741 (5.09%) ang uminom ng alak sa pambulikon­g lugar.

Samantala, 145,925 (47.16 percent) iba pa ang lumabag sa iba pang ordinansa gaya ng pag- ihi at pagdura sa pampubliko­ng lugar, nakumpiska­han ng patalim, paggamit ng karaoke sa gabi, at paglabag sa batas trapiko.

Ipinangako ni Eleazar na ipagpapatu­loy ang mahigpit na pagpapatup­ad ng kampanya sa kabila ng resulta ng pinakabago­ng SWS survey na 60%, o tatlo sa limang Pilipino, ang nagsabi na pag-aresto sa mga tambay ay paglabag sa karapatang pantao. Isinagawa ang survey mula Hunyo 27 hanggang 30 at inilabas ang resulta nitong Setyembre 23.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines