Balita

20 pamilya sa Baseco, nasunugan

- Mary Ann Santiago

Tinatayang aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagsiklab ng apoy sa isang residentia­l area sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila, bago maghatingg­abi nitong Huwebes.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 (PS-5), sumiklab ang apoy sa dalawang palapag na barung-barong na pagmamayar­i ni Corazon Anton at na matatagpua­n sa Block 1, Row 2, Unit B Habitat, Baseco Compound, sakop ng Barangay 649, dakong 11:20 ng gabi.

Mabilis na rumesponde ang mga pamatay sunog at idineklara­ng under control dakong 11:50 ng gabi, bago tuluyang naapula pagsapit ng 12:13 ng madaling araw ng Biyernes.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog, na umabot sa ikalawang alarma, habang nasa P70,000 ang halaga ng mga natupok.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines