Balita

2 utas sa drug ops

- Lyka Manalo

BATANGAS - Napatay ang dalawa umanong drug pushers nang makasagupa ang mga pulis sa magkahiwal­ay na operasyon kontra- droga sa Nasugbu at Padre Garcia, Batangas, nitong Huwebes ng gabi.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang unang napatay na si Joel Galicha, alyas Anah.

Nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang awtoridad sa Sitio Roxas Village, Barangay Lumbangan, Nasugbu, dakong 8:10 ng gabi.

Sa gitna ng transaksiy­on, bigla umanong nagpaputok si Galicha na nagresulta sa sagupaan na ikinasawi nito.

Nakaengkuw­entro naman ng mga pulis ang isa pang suspek na kinilala lamang sa alyas Lock, sa Bgy. Banaba, Padre Garcia, dakong 9:45 ng gabi.

Sa ulat, biglang binaril ng suspek ang mga pulis na aaresto sana sa kanya.

Bumulagta ang suspek matapos makipagbar­ilan sa kanya ang arresting team ng pulisya.

Nasamsam kay Galicha ang cal.38 revolver habang narekober naman sa isa pang suspek ang cal.357 pistol at ilang pakete ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines